^

Pang Movies

Lito walang kupas ang husay sa pagbaril

Vir Gonzales - Pang-masa
Lito walang kupas ang husay sa pagbaril
Lito Lapid

MANILA, Philippines – Maraming tagahanga ang nag-alala noong kunan ang madugong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano involving si dating senador Lito Lapid. Sunud-sunod kasi ang blasting at mga pagsabog na lubhang mapa­nganib sa mga gumaganap kabilang na siya.

Higit na kawawa yung mga extrang biktima kuno ng pagsabog. Naalala ng mga tagahanga ang aksidenteng sinapit ni Christoper De Leon noong aksidenteng mabaril siya ni Marvin Agustin sa singit.

Bagama’t labu-labo sa pag-aaway, ipinakita ni Lito Lapid kung anong birtud ang meron siya sa pagbaril kahit na nakaposas. Marami siyang napatay sa mga kalaban, ang nakakamangha, sabi nila sa mga tauhan ni Jhong Hilario na kahit harapan ang pagbabarilan wala man lang bumubulagta sa eksena, mistulang zombies silang pagkaraang mabaril bumabangon silang muli.

May mga tanong, paano kaya haharapin ni Coco Martin ang mga kilabot sa barilan na makakaharap sa eksena.

Bianca balik-taping na kahit nagka-trauma!

Nagkaroon ng trauma sa dagat ang dating beauty queen actress si Bianca Manalo noong tumaob ang sinasakyan nila sa Antique noong Holy Thursday. Sampu daw silang nakaligtas at isa ang nasawi, akala ni Bianca hindi na sila makakaligtas kaya panay ang dasal niya ngayon ng pasasalamat.

If possible, ayaw na muna niyang mapag-usapan ang dagat at ayaw na din muna niyang puntahan ito para mag-swimming.

Tuloy pa rin siya sa pagte-taping sa Ang Probinsyano bilang girlfriend ni Jhong Hilario

Tetchie, madaling naka-close si Glaiza

Masaya si Tetchie Agbayani sa muling pagbabalik teleserye niya sa Contessa.

Mga bagong mukha ang mga kasama niya pero hindi ito naging hadlang para maging magkaibigan sila ni Glaiza de Castro, na mahilig din pala sa action tulad niya.

Bago naging beauty queen si Tetchie sa Mutya Ng Pilipinas, mahilig na sa siya sports at nakatapos ng college, at ngayon ay isang guro o professor na sa isang school. Si Glaiza naman ay pamangkin ni Dan Alvaro na dating action star at nakasabayan noon ni Tetchie sa showbiz. Kwento ni Tetchie, magaling umarte si Glaiza at malayo ang mararating.

Yassi hindi agad nakakibo nang tarayan ni Alice

Tinarayan ni Alice Dixon si Yassi Pressman sa shooting.

Hindi agad nakakibo ang dalaga, nakita niya kung gaano pala kagaling umarte ang mga batikang artista tulad nina Alice at Dawn Zulueta na kasama niya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Naaksidente kasi si JC Santos na anak nina Alice at Edu Manzano sa serye kaya’t super sisi sila kay Yassi sa naganap na aksidente. 

Minsan pang ipinakita ni Alice kung anong acting ba ang mayroon siya.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga dahil nakasama niya sa seryeng pinagtambalan nila ni Coco Martin ang premyadong aktres.

Bumibigat lalo ang mga eksena, kasabay ng katanungang paano ito haharapin nina Coco at Yassi.

Personal…

Happy birthday kina Manila Mayor Joseph Erap Estrada, Philippine Star entertainment editor Ricky Lo, Shyrel Cruz at Jimmy Morato.

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with