^

Pang Movies

Sex scandal ni Mark, fake!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sex scandal ni Mark, fake!
Mark

Isa lang ang itatanong namin doon sa mga nagsasabing may kumakalat ding sex video si Mark Bautista. Naka-droga ka ba? Maliban na lang kung naka-droga ka, hindi mo sasabihing si Mark Bautista ang nasa sex video na iyon. Isang lalaking chinito na sabihin mang medyo malabo na ang mata namin, hindi pa rin namin mapagkakamaliang si Mark Bautista. Kaya nga sinasabi namin eh, iyong naka-droga lang siguro ang magsasabi nang ganoon.

Iyon ay maliban kung may video pa bukod nga sa sinasabi nilang kumalat sa social media na nagsimula sa isang gossip blog.

Iyan ang sinasabi naming problema sa mga blog. May masabi lang. Sigurado, maski na ang unang nag-blog noon ay alam namang hindi si Mark ang nasa video, pero dahil blog nga lang ang kanyang ginagawa, at hindi naman kailangang totoo ang kanyang ibinabalita, ginawa pa niyang palaisipan iyon. Iyong sumunod namang mga tsismis, ang sinasabi “may nagsasabing si Mark iyon”, ibig sabihin sila mismo alam nila na hindi rin si Mark iyon.

Pero iyon na nga ang masamang nangyayari ngayon diyan sa mga blog, ang mga kuwentong barbero lang ay puwedeng patulan. Ang katuwiran nila, sino nga ba ang makapagsasabi eh ang dami naman talagang artistang gumagawa ng sex video. Magde-deny pa sa una at aamin na lang after twelve years. Pero tingnan muna ninyo ang video kung sila nga ba iyon o hindi?

Actually hindi lang si Mark eh, mayroon pang isang lumabas na video na ganoon din na sinasabi nilang iyong isa namang artistang may anak na ngayon, at kalilipat lamang ng network. Mas malapit ang mukha niya doon sa nasa isang video, pero duda rin kami dahil medyo malabo at wala walang full shot eh, cut to cut din ang kuha.

Amalia maraming naipon kaya hindi naghihirap

Natutuwa naman kami sa narinig naming kuwento na mukhang mas humuhusay na raw ang kalagayan ngayon ng aktres na si Amalia Fuentes. Hindi pa siya fully recovered mula sa stroke na nangyari sa kanya ilang taon na ang nakararaan, pero may improvement na ang kanyang kalagayan, at bukod doon at least may mga kapatid siyang tumitingin sa kanya. Napaghandaan din naman niya ang kanyang kinabukasan.

Bihira iyong mga artistang kagaya ni Amalia, na sabihin mo mang matagal na nagkasakit, kaya niyang suportahan ang sarili niya. Natuto siya kung papaano pangalagaan ang kanyang kinitang pera noong kanyang panahon. Iyong iba kasi, hindi pinaghandaan ang kinabukasan, kaya pagda­ting ng araw nagkakaroon din ng problema. Kung minsan ang mga artista natin ay nakakaawa, dahil sa mga naririnig natin. Pero tingnan ninyo kung marunong sa buhay kagaya ni Amalia, walang problema. Pero sana gumaling na siya nang husto, puwede pa iyan sa mga teleserye kahit ngayon ha.

Aktres pa-vip, inunahan sa pila ang mga senior citizen sa bangko!

Dumating ang isang female star sa isang bangko, at kagaya ng mga naroroon, nagpapapalit sila ng kanilang ATM card. Walang pakialam ang female star sa mga nakapila, pati na sa mga senior citizens.

Lumapit siya sa manager ng bangko, at nag-demand na unahin siya dahil may taping pa raw siya. Walang nakakibo sa mga taong naroroon, pero pagkatapos noon, may nag-react at nagsa­bing “sigurado ako mas malaki ang pera ko sa bangkong ito kaysa roon, bakit inuna pa ninyo iyon”. Umangal na rin ang mga nakapilang senior citizens. Ganoon ba talaga dapat ang attitude ng isang artista?

vuukle comment

SEX SCANDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with