Arci
Arci nairita nang marinig ang pangalan ni Erich?!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 21, 2018 - 12:00am

Natawa si Arci Muñoz nang tanungin siya kung nakipag-usap ba siya kay Erich Gonzales tungkol sa kanyang boyfriend, ang businessman na si Anthony Ng, nang nagsisimula pa lamang itong manligaw sa kanya.

Hindi man niya in-articulate, parang gusto niyang bumuweltang tanong: “bakit?”

Si Anthony ang ex-BF ni Erich at dalawang taon na itong break kay Erich nang ligawan nito ang aktres (Arci). Besides, I doubt kung close sina Arci at Erich, although pareho silang Kapamilya talents.

Well, may something in common sila.

Pareho silang bida sa dalawang magkaibang series na parehong nagti-trending. Not just because maganda ang theme ng series, kung hindi dahil mahuhusay ang kanilang co-stars.

Halimbawa, sa Since I Found You, leading man ni Arci si Piolo Pascual na matagal na raw niyang inaasam-asam na makatrabaho.

Kasama rin sa serye na ang direktor ay kanyang paborito rin na si Antoinette Jadaone, sina JC de Vera, Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Triplets naman ang role ni Erich sa The Blood Sisters. Directed by Jojo Sagum, tampok din sa nasabing serye sina Enchong Dee, Ejay Falcon, kasama ang ­ performers na sina Dina Bonnevie, Jestoni Alarcon at Cherry Pie Picache.

Of Erich, wonder lang kung bakit ang kanyang ex na si Daniel Matsunaga ay wala pang project pagkatapos nila gawin ang Be My Lady.

Kung sabagay, may pinagkakaabalahan din siya, ang restaurant na kanyang naipundar na ang specially ay Brazilian food.

Siya diumano ang directly nagma-manage ng kainan.

Jerome at Joshua sabay nagkaproblema

Bagama’t obvious na di pa gaanong nawi-win back ni Joshua Garcia si Julia Barretto, dala nga na halatang may tampo pa ito sa ‘pinakawalan’ niyang paghanga sa isang babae na hindi naman niya kilala, still may dapat nang ikasiya si Joshua na hindi na gaanong galit sa kanya si Julia.

Call it coincidence, pero ang co-star pala ng aktor sa The Good Son na si Jerome Ponce ay nagkaproblema rin sa kanyang volleyball champ girlfriend na si Mika Reyes. Parang they were not seeing eye-to-eye, too.

Pero apparently, naresolbahan din nina Je­rome at Mika ang kanilang problema.

Maricel magiging visible na uli

Mas magiging aktibo na sa showbiz nga­yon si Maricel Soriano, especially pagkatapos ipalabas ang pelikula niyang My 2 Mommies, kung saan kasama niya sina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff, na idinirek naman ni Eric Quizon.

In fact, di nga ba at nakatakda na niyang makasama si Angel Locsin sa upcoming series na The General’s Daughter.

Of Maricel, ang ganda pala pa rin ng pelikula nila ni Richard Gomez na Ikaw Pa Lamang Ang Minahal, na nagkaroon ng premier showing sa Cinema 7 Trinoma, last Wednesday.

Directed by Carlos Siguion-Reyna, more or less pala, 30 awards ang natanggap ng pelikula sa ilang awards giving body. And regret daw ni Maricel, nominated lang siya but never won as best actress for her performance.

Babad na babad sa kissing scenes sina Richard at Maricel, na napakagwapo at napakaganda nang kunan ang pelikula.

Nasa cast din si the late Charito Solis at Eddie Gutierrez.

Ikaw Pa Lamang Ang Minahal was produced by Reyna Films, a film firm owned by actress cum singer Armida Siguion-Reyna.

Ikaw Pa Lamang Ang Minahal na mapapanood any day daw in some selected theaters sa ilang Ayala Malls, was restored as new by the ABS-CBN Restoration and Archives, headed by Leo Katigbak.

ARCI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with