^

Pang Movies

Maraming artista nagsisilipatan na sa Bulacan, mala-Hollywood na studios ng ABS-CBN, patapos na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Bibilib ka talaga sa ABS-CBN! Aba, malapit na raw matapos ang kanilang state-of-the-art soundstages backlots na mala-Universal Studios sa Hollywood, huh!

Sa San Jose del Monte, Bulacan ‘yon at ililipat na nga raw ng Kapamilya network sa lugar na ‘yon ang kanilang live shows, pati ang taping ng kanilang mga teleserye at sitcoms.

Ang tsika, karamihan raw sa mga teleserye nila ay sa kanilang soundstages at backlots kukunan, huh!

Ang plano raw ng Kapamilya network, gawing daily ang taping, meaning, limang beses sa isang linggo ‘yon, pero may mas maagang cut-off ang mga artista at production people.

Kapag mala-Hollywood na nga naman ang ta­pings ng kanilang mga teleserye, aba, mas bongga ‘yon, ‘noh?!

Ang tsika nga, kapag araw-araw na ang tapings ng mga teleserye, dapat daw na magbaba ng talent fees ang mga artista ng Kapamilya network.

May mga Kapamilya talents naman ang mas type ‘yon dahil mas konting oras ang taping nila at mas maraming araw naman.

Ang tsika pang narinig namin, makikipag-u­sap ang ilang PAMI, Inc. (samahan ng mga talent manager) sa Kapamilya network management tungkol doon para ma­ging maayos ang lahat.

Sa Hollywood, ang alam namin, araw-araw rin ang taping at 12-hour a day lang nagtatrabaho ang mga artista at production staff.

Anyway, may nagkuwento rin sa amin na ‘yung parang big dome na ginagawa sa nasabing lugar para sa kanilang live shows like ASAP ay sobrang ganda’t bongga raw, kaya kahit malayo ang lugar na ‘yon ay tiyak na dadayuhin.

Mas magiging bongga rin daw ang kanilang studio tour!

Ang dinig pa namin, ang maiiwan lang sa ABS-CBN compound nila sa may Sgt. Esquerra, Quezon City ay ang news department at sabi-sabi, gagawin daw mall ang iba roon na parang Power Plant mall nila sa Rockwell, Makati City.

True kaya ‘yon, dahil kung totoo nga, aba, how exciting, huh!

Marami na rin daw Kapamilya talents ang nagsibili ng mga (as in MGA, huh!) lupa sa San Jose del Monte, Bulacan at pinaghahandaan na nila ang paglipat doon ng Kapamilya network.

Actually, kuwento ng isang hairstylist na noon pa nakabili roon ng bahay at lupa, simula raw nang mag-umpisa na ang construction doon ng Kapamilya soundstages and backlots, aba, nagtaasan na raw ang mga lupa roon, huh!

Ang nakakaloka, halos wala ka na raw mabiling lupa sa malapit sa Kapamilya network compound doon.

Annabelle, may pa-swimming sa Birthday ni Zion

Ang dinig namin kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay hindi naman malaki ang 5th birthday party na pinaplano nila para sa panganay nilang si Zion on April 29, pero nang makasama namin kahapon si Annabelle Rama, parang malaki naman ang pa-party na ‘yon, huh!

Si Bisaya nga, nag-iimbita rin sa birthday party ng kanyang apo.

Puwede nga raw mag-swimming ang mga gustong mag-swimming dahil summer nga naman.

Sey ni Bisaya sa kanyang text-invite, magdala raw ng bathing suit kung gustong mag-swimming.

Siyempre, a-attend sa birthday party ng kanyang Kuya Zion si Baby Kai.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with