^

Pang Movies

Tom matagal nang gusto si Jennylyn

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Tom matagal nang gusto si Jennylyn
Jennylyn

Naging gentleman ang Kapuso leading man na si Tom Rodriguez sa hindi pagkuwento sa nangyaring hindi maganda sa girlfriend niyang si Carla Abellana.

Kelan lang ay lumabas ang balitang malungkot si Carla dahil sa ilang taong nakapag-disappoint sa kanya. May kinalaman daw ito sa mga hinahawakan na negosyo ni Carla at malaking pera daw niya ang nawala dahil sa mga taong ito.

Kapareha ni Tom sa upcoming teleserye na The Cure ay si Jennylyn Mercado. Aminado si Tom na matagal na siyang tagahanga ni Jennylyn dahil sa husay nito sa pag-arte.

Masuwerte raw siya na nakapareha niya si Jen sa isang malaki at ambitious project tulad ng The Cure.

Pumatol, ‘di nakapagpigil...Gretchen sinagot ang pagiging fake

Naging parang fairy godmother si Gretchen Barretto sa ilan sa mga followers niya kamakailan.

Kabilang sa mga na-grant niyang wishes ay ang pagbigay niya cooking wares, free acne treatment at libreng 10-dialysis sessions.

Nagbigay din si La Greta ng groceries sa mga naging biktima ng sunog sa Bacolod, libreng pagatas at libreng pagamot, pagbigay ng nebulizer, round-trip tickets, side car para sa isang mais vendor at mga wheelchairs.

Natuwa naman si Gretchen sa pasasalamat na natanggap niya mula sa mga followers niya na natupad ang mga hiling. Pero kahit na nagbigay na ng good deed si Gretchen, meron pa ring netizens ang kumuwestiyon sa kanyang pagi-ging generous.

Hindi ito pinalagpas ni La Greta at pinatulan niya ang netizen na ito na ginagawang negative ang magandang gawain niya sa kanyang followers.

“Damn if you do & damn if you Don’t!!! Yes, posting simply because it keeps us all aware of what the world needs Now is love sweet love…. I am doing this to let us all keep Grounded & Human!!!! It all started on instagram & so I’d like to be TRANSPARENT IN EVERY WAY POSSIBLE…. God Bless your poor and negative heart!!!”May pahabol pa siyang mensahe sa basher na ito:

“you must be so MISERABLE IN LIFE THAT YOU CHOOSE TO BE NEGATIVE WHEN ALL ELSE SEEM TO BE JOYFUL.”

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with