^

Pang Movies

Nadine inisnab daw ng fans ni James!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nadine inisnab daw ng fans ni James!
Nadine

Hindi na sana namin papatulan ang bagay na iyon kung hindi kami nakarinig ng isang bagong issue. Kaya raw tinabig, in fairness ha ang sinabi tinabig hindi itinulak, ni Nadine Lustre ang isang babaeng fan na nakikipag-selfie kay James Reid ay dahil nainis na siya. Pinagkakagaluhan daw kasi si James samantalang siya ay hindi napapansin. In short, ang sinasabi nainis lang si Nadine dahil ang feeling niya na-snob siya ng crowd at kay James lang nagkakagulo.

Hindi lang namin ngayon narinig iyan eh. Natatandaan namin mga ilang taon na ang nakararaan, nagkaroon ng launching ang JaDine para sa isang garment company sa isang mall. Ang sinasabi nila noon, “kaya lang sumikat si Nadine dahil kay James”.

Ilagay na natin doon sa nangyari, na naging artista nga si Nadine na hindi napansin noong una pero sumikat nga nang maitambal kay James Reid. Ang unang love team kasi ni Nadine ay si AJ Muhlach at pareho silang hindi sumikat noon. Ganyan din naman ang sinasabi nila kay Alden Richards, na matagal nang artista at hindi sumikat. Sumikat lang noong maitambal kay Maine.

Pero kung babaliktarin ang tanong, ganoon din kaya ang mangyayari sa career ni James kung hindi si Nadine ang kanyang naging ka-love team? Ang sinasabi namin na ang ganyang mga ganyang comment, unfair kay Nadine.

Siguro nga kahit na kami, aminado na mas sikat si James. Sa present generation kasi, lumalabas na mas maraming fan ang mga matinee idols kaysa sa kanilang leading lady. Ganun din naman ang sinasabi nilang mas sikat si Da­niel Padilla kaysa sa leading lady niya. Pero sa isang love team kailangan ang team work para sumikat. Kaya unfair na sabihing insecure lang ang leading lady dahil ang pinagkakaguluhan lang ay ang kanyang leading man at hindi siya.

Fans ni Sarah, umaapela ng repeat!

Gustuhin man nila, papaano pa nga ba maibabalik si Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum kahit na naging malaking hit naman ang kanyang concert, eh may repeat na pala ang concert na iyon sa Las Vegas sa Sabado, April 19, sa Chicago sa May 4 at sa New York sa May 6.

Siguro nga masasabing wise decision din naman ang mga concert sa abroad, dahil sa aminin man natin o hindi, mas malaki ang kinikita ng mga artist natin sa abroad, hindi pa masyadong pagod ang mga producer dahil talagang hindi na kailangan ng marketing moves, ang mga tao na mismo roon ang naghahanap ng tickets na natural mas mahal kaysa sa bayad sa Araneta.

Pero siguro nga pagkatapos ng mga concert na iyan sa US, maaaring gumawa ulit ng panibagong concert si Sarah dito sa Pilipinas. Tuwing may concert siya mukhang laging kulang dahil sa demand ng kanyang fans. Pero may nagsasabi, mas malaki iyan kung ang isasama sa concert ay si Matteo kaysa sa ibang mga artista.

Male star na 50k hada, nagbagsak-presyo

Hindi mamatay-matay ang tsismis na suma-sideline ang isang aktor-aktoran na nagsimula sa isang reality show. Siguro dahil din naman iyan sa katotohanang noong nagsisimula pa lang siya, sumali siya sa mga bikini open sa mga gay bars.

Ngayon mismong insider pa ng network ang nagkukuwento na ang sideline daw ng male star ay for 25k na lang.

Bumaba na ang presyo niya. Ang dating sinasabi ng isang Ermita pimp ay 50k daw.

Wala na bang takers?

NADINE LUSTRE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with