^

Pang Movies

Carla kumpirmadong naloko!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon ng The Cure last Tuesday night ay nagsalita na si Tom Rodriguez tungkol sa pinagdadaanan ngayon ng girlfriend na si Carla Abellana.

Matatandaang nag-post si Carla few days ago sa kanyang Instagram ng picture card at dito ay isang word lang ang nakalagay – disappointment. Sa caption, she wrote,  “A lot of people have been disappointing me a lot lately. Bakit kaya sunud-sunod? And why have they been letting me down like this?”

Sa comments section ay may mga nagtanong kung ano ang ibig sabihin dito ni Carla at sumagot naman ang aktres na nawalan siya ng malaking halaga ng pera at ang gumawa nito ay isang itinuring niyang parang kapamilya na rin.

Sa panayam kay Tom ng entertainment press, kinumpirma niyang may kinalaman talaga sa pera ang problema ngayon ni Carla at aniya ay talagang disappointed ito pero hindi naman daw depressed tulad ng pinalalabas ng ibang tao.

“Disappointed kasi siyempre, business, pera niya ang nilalabas niya. Pinag-ipunan niya,” saad ni Tom.

When asked kung magkano ba ang perang nawala kay Carla at kung may billion pa, ani Tom, “I don’t kow if she wants me to say. Pero different businesses kasi, hindi one thing. A lot of things.”

Pero ani Tom ay alam naman daw niyang kayang-kaya ito ni Carla.

Tungkol naman sa kapamilya na itinuturo ng aktres na gumawa sa kanya nito, ani Tom ay si Carla na lang daw siguro ang dapat magsalita tungkol dito.

“Basta alam ko lang, hindi ako,” pagbibiro pa ni Tom.

During these low moments ay sinusuportahan naman daw niya ang girlfriend at binibigyan ito ng encouragements.

“Pinag-usapan namin after and we talked about it. I try to be there and listen to it para at least, mailabas niya, hindi ma-bottle up.”

Ano ang ibinigay niyang advice?

“My advice is I’m just here for her and she’s on the right track naman with everything. Napakasipag. Ang she’s really diversifying and sobrang tutok and sobrang sipag. Especially now na ngayon, magi-start na siya ng isang soap.

“So, ‘yun ‘yung takot niya na bago mag-start ng new show, sana lahat ng ano, parang plantsado na para hindi na niya masyadong problemahin masyado.”

Ayaw nang i-elaborate pang masyado ni Tom ang pinagdadaanan ng gf dahil hindi raw ito dapat manggaling sa kanya.

“It shouldn’t come from me. All I know is she’s just being challenged by a few circumstances but I know that she’s more than capable to rise above them and I’m always just here,” sey pa ni Tom.

Ayon pa sa aktor ay nangyari na rin daw ito sa kanya in the past at alam niyang masakit.

“It’s a learning experience talaga,” he said.

Samantala, excited din si Tom sa The Cure dahil nga first time nilang nagkasama ni Jennylyn Mercado sa serye. Nagkasama na sila before sa isang Lenten special pero siyempre maigsi lang daw ito.

Puring-puri niya si Jen sa pagiging magaling na aktres at pagiging professional.

Kung si Tom ay happy sa relasyon with Carla, si Jen naman ay masaya sa piling ni Dennis Trillo at ayon nga kay Tom, pareho nilang inirerespeto ang love life ng isa’t isa and very supportive sila sa relasyon ng isa’t isa.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with