Marian Rivera
Marian sasabak sa action
(Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Masayang kinuwento ni Marian Rivera sa nakaraang premiere night ng Almost A Love Story na babalik na raw siya sa drama series pagkatapos ng Super Ma’am.

Gustung-gusto na ngang ikuwento ni Marian kung anong serye ang gagawin niya, pero hindi pa puwede.

Nag-enjoy yata si Marian sa paga-action niya sa Super Ma’am kaya super aksyon na naman daw siya rito. Ang pagkakaiba lang daw, wala siyang super power kagaya ng Super Ma’am.

“Nung na-present sa akin ang kuwento ng bago kong soap, at very excited ako dahil parang first time kong gagawin to,” pahayag ng GMA Primetime Queen.

Habang hindi pa naman siya nabubuntis, tama lang na gagawa muna siya ng soap ope­  ra. Hindi naman daw sila nagpa-pressure na masundan na si Zia, kahit ang iba ay gustung-gusto na nilang mabuntis uli si Marian.

“May Zia naman ako, bakit ako magpa-pressure?” pakli ni Marian. “Alam mo minsan, mahirap pangunahan mga bagay-bagay. Hayaan nilang ako na mismo ang magsabi sa kanila.

“Very open naman kami ni Dong, at hindi namin ipagkakait yan sa mga taong nagmamahal sa amin,” dagdag niyang pahayag.

Video ni Nadine ipinagtanggol ng fans

Mabilis na kumalat sa social media ang video nang paghawi ni Nadine Lustre sa kamay ng isang babaeng fan na nagpa-picture kay James Reid.

Nangyari pala ito sa Cove Manila nung nakaraang Sabado, April 14 na kung saan ini-launch si Nadine bilang brand ambassadress ng bagong beauty product.

Pagkatapos ng guesting ni James sa concert ni Sarah Geronimo, tumuloy pala ito sa Cove Manila para samahan doon si Nadine. At doon pinagkaguluhan na si James ng mga kababaihan na ang iba mga lasing na raw.

Kaagad namang ipinagtanggol si Nadine ng mga JaDine fans nang kumalat ang video na may hinawi siyang fan dahil naintindihan daw nila ang young actress kung bakit niya ginawa yun.

Iyung babaeng fan daw na hinawi ni Nadine ay medyo lasing na raw at ilang beses na raw nagpa-picture kay James. Balik lang daw nang balik. May kakulitan na raw.

‘Yung mga fans na nagtanggol kay Nadine ay nandun mismo sa event at nakita raw nilang hindi na makakilos si James at hindi na nga malapitan si Nadine dahil sa dami ng mga nagpapalitrato. Halos lahat naman daw napagbigyan ni James na magpalitrato, pero ang iba raw ay sobrang kulit na paulit-ulit na nagpapalitrato.

“Sana intindihin naman natin ang idol natin na tao rin sila na gusto lang nilang mag-enjoy dun,” nabasa namin dun sa thread ng JaDine.

“Celebrities have personal lives too. Hindi naman all the time, puwede magpa-picture, puwede lumapit, puwede umepal. Lalo na kung time naman nila para sa sarili nila.

“Tao lang din sila, just like everybody else. Respeto naman. Kung sumusobra naman at nakuha na nila yung time ng iba. Tigil na, Huwag naman abusado,” pagtatanggol ng isang fan.

John Lloyd binabakbak ang mga poster

Unti-unti na ngang nawawala ang mga endorsement ni John Lloyd Cruz dahil hindi na nga naman siya visible at mukhang wala na siyang interes na bumalik sa pag-aartista.

Kuwento ng ka-Troika naming si Noel Ferrer, nung nag-judge raw siya sa Pinoy Superstar Search ng Western Union sa Dubai, nakita raw niyang pinagtatanggal na ng isang events organizer ang mga print collaterals na si John Lloyd ang nasa litrato.

Sabi raw nung organizer, hanggang end of April pa ang kontrata ni Lloydie sa naturang kumpanya bilang endorser pero okay lang daw na tapusin na nila ngayon.

Meron pa nga sanang three months na drying period bago nila tanggalin ang nasa collaterals, pero okay lang daw. Hindi na raw nila gagamitin ang Kapamilya actor.

Tingin naman namin aware na riyan si John Lloyd at siguro okay lang sa kanya dahil mas naka-focus naman siya ngayon sa malapit na panganganak ni Ellen Adarna.

(GORGY RULA)

MARIAN RIVERA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with