Sarah Geronimo
Sarah malaki ang ‘utang’ kay Celine!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

Congratulations sa Popstar Royalty Sarah Geronimo.  Dahil sa big success ng concert niyang This 15 Me after ng three years na hindi siya nag-concert, gusto ng mga Popsters na magkaroon ng repeat pero hindi na talaga pwede dahil she is scheduled to leave na next week para sa kanyang US Concert tour at hindi na sila mapagbibigyan ng Viva Live, Inc. na siyang nag-produce ng concert.

Touching ang mga kuwento ni Sarah ng pagsisikap niya noong bata pa siya para na makapasok sa showbiz. Nagka-movie raw siya noon, ang Ang Munting Prinsesa pero sa Baguio lamang sila pinapunta sa halip na sa Switzerland.

 Itinuring ni Sarah na lucky song niya ang To Love You More ni Celine Dion na nagpanalo sa kanya sa Star for the Night na siyang nagpabago sa buhay niya. Hanggang sa ngayon si Sarah pa rin ang itinuturing na Reyna ng Pop.

Lumundag sa Dos, Janice iniilagan si John!

Nang mapabalita na lumipat na sa GMA Network si John Estrada at sure nang may project nang gagawin doon, maraming natuwa na tiyak daw na makagagawa na ng project na magkakasama sila ni Janice de Belen, kasama ang anak nilang si Inah de Belen. Pero mali, dahil sa paglipat ni John sa Kapuso network, saka naman bumalik si Janice sa Kapamilya Network at mayroon na ring sisimulang teleserye doon. Per project lamang daw kasi ang pinirmahang contract ni Janice sa GMA.

Kaya baka raw ang magkasama sa isang project ay ang mag-amang John at Inah sa bagong fantaserye na Mitho.

Jackie hirap magpatawa habang nagtataray

Isinakripisyo pala muna ni Jackie Rice ang Bubble Gang para mai-focus niya ang acting niya sa kanyang afternoon prime drama series, ang advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. First time niyang gaganap na mayamang-mataray na nang-agaw ng asawa, kay Mike Tan siya na obsessed ng pagmamahal dito. Mahirap daw kasi na sa Bubble Gang ay nagpapatawa siya pero sa bagong soap seryoso ang kanyang role bilang si Aeva Imperial at wala siyang pakialam sa damdamin ni Thea (Yasmien Kurdi) at inagaw niya ang asawa nitong si Marco (Mike).

Isang simple character din lamang kasi ang ginampanan ni Jackie sa last soap niya last year, ang My Love From The Star kaya mahirap ang character niya ngayon na ang concept nga ay ipaalam sa mga televiewers ang tungkol sa HIV virus.

SARAH GERONIMO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with