Martin Spies at Rachelle Ann Go
Rachelle Ann ilang araw na lang magiging misis na!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

Bago magsara ang Boracay para sa rehabilitation nito, magaganap muna ang dream beach wedding nila Rachelle Ann Go at fiancé na si Martin Spies sa April 19.

Nag-take time out muna si Rachelle sa kanyang paglabas sa musical na Ha­milton sa London para sabay sila ng fiancé niya na dumating sa Boracay para sa kanilang wedding.

Naging very secretive nga si Rachelle tungkol sa wedding niya at heto’t ilang araw na lang ay magiging Mrs. Martin Spies na siya.

Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang hotel room sa Discovery Shores Boracay kung saan sila naka-billet ni Martin.

Noong nakaraang April 14 ay nagkaroon ng bridal shower si Rachelle sa isang nail salon sa Pasay City.

Naganap din ang kanyang despedida de soltera sa Conrad Hotel kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Noong February 2017 nagkakilala sina Rachelle at Martin sa New York dahil sa isang blind date na inayos ng common friend nila. That time ay nagpe-perform pa si Rachelle sa Miss Saigon on Broadway.

Isang general manager ng American luxury fitness company si Martin sa New York.

April 2017 noong i-reveal na ni Rachelle na she is officially dating Martin at panay ang post nila ng pics na magkasama sila sa NYC on IG.

August 2017 noong maging sila na at a month after in September, nag-propose si Martin kay Rachel on her birthday habang nagbabakasyon sila sa Boracay

Pagka-describe ni Rachelle sa kanyang fiancé: “he’s the kind of guy who puts God first and prays with/for you.”

Dianne ayaw ng maraming anak

Sa December 21, 2019 naman nakatakda ang wedding ng celebrity couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Na-engaged ang dalawa noong October 2017 pagkatapos ng halos 11 years na may relasyon sila.

Dahil na rin sa workload nila para sa taong ito, mas pinili nila na sa 2019 na ang wedding.

Kaya may two years pa raw para paghandaan ng dalawa ang kanilang kasal at sisiguraduhin nila na bongga ito at magiging unforgettable sa mga iimbitahan nila.

Sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception (Manila Cathedral) magaganap ang kasal nila. Sa Hotel Sofitel naman ang wedding reception.

Kung ilang anak daw ang gusto nila, heto ang sagot ng dalawa:

“Honestly, ready naman na sa pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya. But more than that, my fear is fear of change because I’m a very career-oriented person.

“I love to work, I love my job. But, you know, I’m not getting any younger also. Siguro after wedding, we’re planning talaga magka-baby. I’m already 33 by that time,” sey ni Dianne.

Si Rodjun naman ang sinabi ay limang anak ang gusto niya. Pero kinontra ito ni Dianne ay kaya lang daw niya ay dalawa.

Nicki Minaj may kakaibang gagawin para mapansin

Pagkatapos maging missing in action ng ilang buwan, biglang nag-resurface ang rapper na si Nicki Minaj sa social media at nagpatikim ng dalawang bagong songs niya na ilalabas.

Suot ang isang Fendi outfit na ang style ay katulad ng kay Chun-Li sa video game na Street Fighter, pinakita ni Minaj sa social media post ang new look niya para sa mga fans na na-miss siya.

Pinaghahanda lang niya ang music industry sa gagawin niyang pasabog very soon.

Ang dahilan nang pagkawala ni Nicki ay binusisi niya ng husto ang dalawang songs at halos wala raw siyang tulugan dahil gusto niyang maging big hit ang mga ito.

Sa pag-drop ng two songs niya, kasabay pa nito ang dalawang bagong music videos.

Kelan lang ay namataan si Nicki sa isang Coachella party kasama ang Country music superstar na si Shania Twain. Kasama rin nila sina Timothee Chalamet, The Weeknd and rappers Quavo and French Montana.

Mukhang bagong BFF ni Nicki si Shania.

“Shania Twain is so dope in real life,” sey ni Nicki.

Pinuri rin ni Shania ang new friend niyang si Nicki.

“You know who I really love is Nicki Minaj. I love her. She’s just so raw and vicious and amazing.”

RACHELLE ANN GO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with