Barbie at Derrick
Derrick, sinisisi sa flop ng pelikula nila ni Barbie
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

Mukhang unfair naman kay Derrick Monasterio iyong sinasabi ng ilan na mukhang hirap siya talagang matanggap ng masa. Hindi kami naniniwala riyan dahil may mga pagkakataong nakikita namin na pinagkakaguluhan siya ng mga fans. Kung makikita mo naman ang mga comments sa social media, lalo na kung medyo sexy ang kanyang pictures, pinupuri naman siya ng mga tao.

Iyon nga lang, baka kailangan ang isang mahusay na repackaging para umangat ang kanyang career nang husto. Hindi rin siya ang dapat sisihin kung na­ging flop man ang pelikula nila ni Barbie Forteza kamakailan. Maraming factors na kailangang i-consider eh, hindi lang naman artista. Masakit pakinggan na si Derrick ang sinisisi kung bakit nang manood daw sila ng sine eh tatlo lang ang nanonood. Maski nga si Barbie mismo, umamin na ang pelikula nila ay na-pull out agad sa mga sinehan.

Pero isipin ninyo, ang pelikulang iyan ay isang indie. At dito sa atin, aywan nga ba kung bakit, basta ang isang pelikula ay tinawag na indie, o pitu-pito, hindi pinanonood iyan ng mga tao. Kaya nga nailalabas lang sa mga sinehan iyan kung may festival eh. Kasi kung walang festival, ni ayaw tanggapin ng mga sinehan kung indie, kahit sabihin mong nanalo pa ng international award, flop pa rin iyan dito.

Ginawa rin daw bida si Derrick sa isang serye, iyong Mulawin Vs. Ravena. Alam naman natin na iyang Mulawin noong araw napakalakas niyan. Iyan ang nagbangon sa GMA 7. Iyan ang gumawa kina Richard Gutierrez at Angel Locsin. Pero noong si Derrick na daw ang bida, walang nangyari.

Unfair iyang comment na iyan. Una hindi lang si Derrick ang bida roon. Mas mahahaba ang eksena ni Dennis Trillo. Naroroon din iyong Miguel Tan Felix. Hindi dahil sa si Derrick ang sumalo ng role ni Richard Gutierrez ay siya na ang dapat sisihin nang hindi mag-click iyon.

Mayroon pa raw ginawa iyang si Derrick na isang indie, tungkol sa mga babaylan, na hindi yata nailabas sa mga sinehan.

Iyon ang sinasabi namin, baka ang kailangan ay repackaging? Baka kailangan pag-isipang mabuti kung anong project ang ipagagawa sa kanya, hindi iyong tanggap lang nang tanggap ng project.

John Lloyd tiyak pagkakaguluhan ‘pag nagbago ang isip

Iyong iba naman diyan, daldal nang daldal tungkol kay John Lloyd Cruz. Baka kung magbago ang isip ni John Lloyd at muling magbalik sa showbusiness, magkagulo kayo. Hindi mo masasabi ang maaaring itakbo ng isip ng isang tao eh. Baka ngayon umiiwas na siya sa showbusiness dahil ayaw niyang ma-bash pa siyang lalo dahil sa sitwasyon. Baka gusto rin niya ng privacy sa kanyang magiging anak.

Pero basta nailagay na sa ayos ang lahat ng iyan, huwag ninyong sabihing kung magbabalik si John Lloyd tatanggihan nila.

Hubaderong aktor na nagpakasal na, balik sa panggagatas sa bakla

May tsismis na nagpakasal na raw ang isang dating sexy male star sa kanyang girlfriend na dati namang entertainer sa Japan. At least nagpakasal na sila, at sa simbahan pa. Siguro naman napag-isipan nila nang husto iyon dahil pareho naman sila may edad na.

Pero bakit ang dating male sexy star ay nakikipagkita pa rin daw sa kanyang mga gay benefactor? Alam kaya iyon ng misis niya, na siyang namuhunan din daw sa kanilang negosyo sa ngayon?

DERRICK MONASTERIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with