Carla Abellana at Tom Rodriguez
Ibinuko ni Tom Carla may problema sa pera!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

Nagbago na ang pananaw ni Carla Abellana tungkol sa disappointments mula sa mga taong malalapit sa kanya. Sa isang Instagram post tungkol dito, nakalagay ang emo niya. “A lot of people have been disappointing me a lot lately. Bakit kaya sunod-sunod? And why have they been letting me down lately Lord, kayo na po ang bahala sa kanila?”
Sa recent post, heto na ang post ng Kapuso actress, “Never let disappointment become louder than your worship.”

Ang magdasal at magtiwala sa Diyos ang karamihan sa payo kay Carla. Halos kada komento sa kanya eh, may sagot siya.

Sa thread ng comments, lumabas sa tugon ng girlfriend ni Tom Rodriguez na may kinalaman sa pera ang disappointments na dumarating sa kanya. May nagsabi sa kanyang gamitin ang art of dedma (huwag pansinin).

“Mahirap po yatang i-deadma kapag nawalan ka po ng malaking halaga ng pera dahil po sa iba sa kanila,” repy ni Carla kay @jaeldontell.

Saad naman ng isang netizen, “...let them go..” Sagot ni Carla, “@melisssuuhh4w what if I can’t let them go because somehow they’re like family?”

Sa ngayon, walang regular series sa GMA si Carla at tanging ‘yung paid portion sa isang produkto ang kanyang ginagawa sa TV.

Ipapalit ni Alden kay Maine kasado na!

Sumalang na agad sa Eat Bulaga kahapon si Alden Richards kahit may jetlag pa mula sa biyahe niya sa Amerika at CaÅsa manager ni Alden na si Daryl ng GMA Artist Center ang coming activities ni Alden, eh, wala pa siyang sagot as of this writing.

Sa huli namang pakikipagusap ni Alden sa press, ang sisimulang TV series ang nakatakda niyang gawin. Kung sino ang kapareha niya eh siya inaabangan ng AlDub Nation, huh!

CARLA ABELLANA TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with