Assunta nag-iilusyong magkaroon ng kambal
Assunta
Assunta nag-iilusyong magkaroon ng kambal
YUN NA! (Pang-masa) - April 16, 2018 - 12:00am

Naku, aabot pa pala hanggang month of May ang taping ng Diary of A 30 Something na pinagbibidahan ng magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi at kasalukuyang ipinalalabas sa Sari-Sari channel ng Cignal Cable.

Medyo natigil kasi ang taping nila, kaya hindi sila makatapos-tapos.

Pero katulad ng nasabi na niya before, she’s not complaining.

“Matagal pa naman ang itatakbo ng series namin at nakapag-advance taping na rin kami at may taping schedules na rin namang naibigay sa amin, kaya okey lang,” sabi ng misis ni Jules Ledesma.

‘Yung tungkol sa gagawin sa pagbubuntis pa rin niya ang inusisa namin kay Assunta.

“Ayokong magsabi ng exact time kung kailan puwedeng isaksak sa akin ‘yung embryo, pero buo na ‘yon. Ang tawag sa process na ‘yon embryo transfer. ‘Yung In Vitro Fertilization kasi, ‘tapos na. Kaya nga buo na ‘yung embryo.

“Ang kailangan ko na lang gawin, ihanda ‘yung katawan ko para nga sa embryo transfer.

“Pero kailangan ko munang ayusin ‘yung inferti­lity ko. May myoma at endometriosis problema rin kasi ako. Pati immune system ko, kailangang ayusin. So, ‘yung lifestyle ko, kailangan totally baguhin. Bawal magpuyat. Bawal ma-stress.

“Ang problema sa reproductive system ko, ayaw tanggapin kapag ‘human’. So, kailangan ng gamutan para kapag nagpa-embryo transfer ako, tanggapin na ng katawan ko. Na kakapit na siya sa womb ko, para buntis na talaga ako,” sabi ni Assunta.

Sabi pa ni Assunta, marami siyang natutunan sa kanyang journey para sa kagustuhan niyang magbuntis at magkaanak.

Ang pangarap nga pala ni Assunta kapag nagbuntis at nanganak, “Sana kambal!”

Celebrity friends ni Rachelle Ann, ‘di invited sa kasalan?!

Dahil ang philanthropist-businesswoman na si Pinky Tobiano lang ang nagkuwento sa amin ng tungkol sa bridal shower ni Rachelle Ann Go na ginanap sa isang nail spa sa S Maison mall, nahiya naman kami sa singer/actress na mang-usisa pa sa nalalapit niyang kasal sa fiancé na si Martin Spies, si Cynthia Roque na lang ng Cornerstone Entertainment, Inc. ang tinanong namin tungkol doon.

Sabi ni Cynthia, sa April 18 ang kasal nina Rachelle Ann at Martin at magaganap ‘yon sa Shangri-La Boracay, pero ang reception daw ay sa Discovery Shores Boracay.

Inusisa namin si Cynthia kung bakit wala ang celebrity-friends ni Rachelle Ann sa kanyang bridal shower at ang tanging nasabi niya sa akin ay, “Baka sa wedding invited ‘yung celebrity-friends ni Rachelle Ann!”

Samantala, magnininang sa kasal na ‘yon si Pinky at ikinuwento niya sa amin na masyado siyang masaya para kay Rachelle Ann.

Alam daw niya kasi na sobrang mahal nina Rachelle Ann at Martin ang isa’t isa.

“Excited na kami sa wedding nila,” sey pa ni Pinky.

Annabelle napatili sa concert ni Sarah

Isa sa mga nanood ng This 15 Me concert ni Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum noong Saturday si Annabelle Rama.

Nang makakuwentuhan namin kahapon ang Gutierrez matriarch, sinabi niyang sobrang gandang-ganda siya sa This 15 Me concert.

Sobra raw siyang nag-enjoy sa show.

“Worth it!” sabi ni Bisaya tungkol sa kanyang panonood ng concert ni Sarah.

Actually, puro mga papuri ang naririnig namin tungkol sa This 15 Me concert.

Saka ang maganda pa, certified sold out ang tickets para sa nasabing show!

ASSUNTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with