_pang-masa
^
Juday at Ryan magdi-date sa Europe
Ryan & Juday

Juday at Ryan magdi-date sa Europe

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 15, 2018 - 12:00am

Summer na talaga kaya naman ang mga artista at celebrities, kani-kaniya nang biyahe abroad, doon sa mga lugar na malamig pa rin kahit summer na. Kahapon, April 14, umalis na ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos para sa long vacation nilang mag-asawa sa European countries, particularly sa Italy. Ito ay para doon i-celebrate ang birthday ni Ryan last April 10, ang kanilang wedding anniversary sa April 28, at birthday ni Juday sa May 11.  Nakaugalian na nilang tuwing ganitong panahon, either they travel abroad or sa isang lugar sa Pilipinas, to celebrate.  Sina Yohan, Lucio at Luna ay maiiwan either kay Mommy Carol Santos o sa mommy ni Ryan.

Pagbalik nila, sabi ay may bagong teleserye na gagawin si Juday sa  network at si Ryan, mayroon din daw gagawin sa GMA 7.

Rhian tanggap ang pagiging maharot

Kahapon din umalis si Rhian Ramos kasama ang boyfriend at family niya sa Japan. Excited si Rhian dahil first time niyang mag-stay ng 10 days doon. Bale second time daw niya iyon, pero iyong first time niya, tumagal lamang siya ng 25 hours sa Japan for a GMA Pinoy TV show doon, dumating siya nang umaga, nag-breakfast, nakipag-usap sa mga in-charge ng show, rehearsal, show na at after the show balik na rin siya ng Pilipinas.

Very happy si Rhian sa magagandang feedbacks na natatanggap niya sa role niya bilang si Zoe, isa sa mga ex-girlfriends ni Liam (Dennis Trillo), sa kanilang romantic-comedy series na The The One That Got Away (TOTGA).

“Happy and flattered po ako na tinanggap ng viewers ang role ko na ‘maharot’ daw ako at pinakamalakas ang loob na gawin ang mga eksena, magsuot ng too sexy dresses,” sabi ni Rhian sa set visit. “Ginagawa ko lamang naman ang character ni Zoe, kaya nga nung minsang napagsabihan ako ni Mommy na i-tone down ko raw ang mga isinusuot ko, sabi ko kapag ginawa ko iyon, hindi na ako si Zoe, at naintindihan naman niya ako.”

Biniro namin si Rhian na parang na-kiss niya lahat ng mga guys sa story: Dennis, Jason Abalos, Ivan Dorschner, except for Migo Adecer dahil brother niya sa story. Hindi rin daw niya nahalikan si Renz Fernandez, dahil ayaw nito sa girls, ang gusto nitong halikan si Liam, dahil bakla si Gab.

“Natuwa rin ako na kahit romantic-comedy ang show namin, nabigyan din ako ng chance na mag-drama sa isang eksena. Sana mapanood ninyo iyon dahil feel na feel ko ang eksena at dialogue ko na kahit hindi naman sinabi ni Direk Mark dela Cruz na umiyak ako, naramdaman ko na lamang na umiiyak na pala ako.”

Kasabay ng show nila ang shooting niya ng dalawang movies, ang #72 with Jolo Revilla for Imus Productions at ang Trigonal na ayaw niyang sabihin kung ano ang story pero kasama raw niya sina Christian Vasquez at Monsour del Rosario, at kasali raw ito sa Cannes Film Festival.

JUDAY AT RYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with