Sarah at Richard
Richard at Sarah salitan sa pagbabantay sa bunso
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 15, 2018 - 12:00am

Tama pala ang kuwento ni Sarah Lahbati na nakakapag-smile na ang second baby boy nila ni Richard Gutierrez, si Baby Kai.

Kahapon ay dumalaw kami sa bahay nina Richard at Sarah at naaliw kami sa panonood kay Baby Kai habang natutulog.

Nang magising si Baby Kai, aba, ni hindi siya umiyak, huh!

Nakita rin namin ang pag-smile ni Baby Kai at katulad ng kuya niyang si Zion ay napaka-cute rin niya.

Sa Saturday ay one month na si Baby Kai at matakaw raw ito sa gatas, sabi ni Sarah.

“Very nice baby. Hindi iyakin talaga. Minsan-minsan lang siya umiiyak, pero sandali lang,” kuwento naman ni Richard na aliw na aliw sa anak at minsan lang kung lumabas ng bahay dahil salitan sila ni Sarah sa pagbabantay sa kanilang bunso.

Samantala, hindi pa sure si Richard sa next project niya sa ABS-CBN dahil next week pa sila uli magmi-meeting ng tungkol doon, pero may nabanggit na raw sa kanya, pero secret pa nga kung ano ‘yon.

Siyanga pala, kahit mag-one month old na si Baby Kai on Saturday, patuloy pa rin ang mga nagpapadala ng gifts sa mag-ina.

Kahapon nga, habang nasa bahay kami nina Richard at Sarah, nakatanggap ang huli ng flowers at galing pala ‘yon sa isang flower shop na favorite nilang bilhan.

Malaki na nga pala ang iniliit ni Sarah pagkatapos makapanganak kay Baby Kai dahil noong buntis naman siya ay may sinusunod siyang diet at nag-e-­exercise rin.

Donita at Keempee, may romantic angle raw!

Mismong si Donita Rose ang nagkuwento sa amin na okey na okey na sila ng ex-husband niyang si Eric Villarama.

Kung naging controversial man ang paghihiwalay ng dalawa at natsika pa nga na nabuking lang ni Donita sa social media na nagkabalikan si Eric at ang isang ex-girlfriend nito at marami ang nag-akalang hindi na sila magiging friends, ngayon naman ay masaya ang friends ni Donita para sa kanya dahil naging maayos na sila ng ex-husband para na rin sa kapakanan ng anak nilang si Joshua Paul “JP” Villarama.

Hindi nga naman maganda kung mag-aaway pa sila.

Ang tsika pa nga pala na narinig namin, nagsu-support na raw si Eric sa anak nila ni Donita.

Si Eric daw ang nagbabayad ng tuition fees ni JP, kaya naman malaking bagay ‘yon for Donita.

Samantala, nabanggit nga rin pala sa amin ni Donita na dahil dual citizen siya (American at Filipino), dapat na rin daw siyang mag-file rito sa atin ng tungkol sa divorced nila sa Amerika ni Eric.

Ay, may tsika pa nga rin pala kaming narinig.

Tama ba na sobrang close na naman ngayon sina Donita at Keempe de Leon?

May nakapagtsika sa akin na parang may romantic angle ang dalawa, pero ayaw naming pa­ngu­nahan si Donita ng pagkukuwento tungkol doon, ‘noh?!

Rachel at governor bf, balak nang magpakasal?!

Ang beauty queen na si Rachel Peters kasama ang boyfriend na si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte sa ribbon-cutting ng Japanese fusion restaurant na 81 SeiHai sa Timog Ave­nue, Quezon City.

Obvious na sobrang in love sina Rachel at Migz sa isa’t isa.

Ang sweet nilang dalawa at napansin ‘yon ng owner ng 81 SeiHai na si Chef Chris Cor­dero.Sayang nga lang at nagmamadali na silang umalis, kaya hindi na namin natanong ang dalawa kung plano na ba nilang i-take to the next level ang kanilang relasyon o sa lalong madaling salita ay kung may balak na silang magpakasal?!

Sayang nga lang at nagmamadali na silang umalis, kaya hindi na namin natanong ang dalawa kung plano na ba nilang i-take to the next level ang kanilang relasyon o sa lalong madaling salita ay kung may balak na silang magpakasal?!

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with