Dating sikat na action star presyong starlet na lang ang TF
Vir Gonzales (Pang-masa) - April 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Teka ano ba itong tsikang nasagap namin na kaya daw hindi natuloy ang pag-appear ng action star producer, Rhene Imperial sa FPJ’s Ang Probinsiyano ay dahil sobrang liit or baba ng talent fee na ibabayad, 5k daw as in five thousand!

Wow naman Rhene Imperial, 5k, presyong starlet po ito.

Alden nakakatayo pa ring mag-isa!

Hindi nagkatotoo ang tsikang kapag hindi na si Maine Mendoza ang kapareha ni Alden Richards ay wala nang epekto ang suwerte.

Pinatunayan ni Alden ang pagso-solo noong makasama ni Tirso Cruz III sa isang Semana Santa story, nagustuhan ng tao gayung wala doon si Maine. At siyempre nung gawin ni Alden ang TV special na Alaala directed by Adolf Felix Jr., na kapapanalo lang New York Film Festival, wala din doon ang Dubsmash queen.

Nakakahinayang man ang paghihiwalay ng tambalan ng dalawa, walang magagawa ang iba dahil kapalaran ito ng AlDub team.

Concert ni Ian, tuloy na tuloy na

Sa April 21, tuloy na tuloy na ang concert ni Ian Veneracion titled Ian In 3 Act produced ni Ms. Flor Santos mama ni LA Santos at ni Ian Veneracion.

Guest si LA Santos sa naturang show, siya ay una naming napanood nung party ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPP) ni Imelda Papin na ginanap sa Icon Hotel. Malayo talaga ang mararating ng batang ito na puwede ring mag-artista.

Unang mapapanood ang concert ni Ian sa Waterfront, Cebu City

Maraming artista, naaadik na sa pagpipinta

Painting pala ang kinahuhumalingan ngayon ng radio broadcaster at direktora sa pelikula na si Arlyn Dela Cruz. Mga abstract painting daw ang type niyang iguhit.

Ang best friend niyang actress na si Beth Oropesa ay painting din ang hilig at nakapag photo exhibit na sa Makati noon. Painter din si Jao Mapa at nakapag- photo exhibit na din ng ilang beses. Ganundin si Heart Evangelista at Solenn Heusaff na ilang beses na ring nagkaroon ng exhibit.

Parang malaki yata ang kita sa pagpi-paint ha.

ANG PROBINSIYANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with