Anne hindi mabisita ang nanay na naoperahan!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 12, 2018 - 9:43pm

Inoperahan pala kamakailan ang nanay nina Anne Curtis at Jasmin Curtis Smith, kaya hindi raw muna ito puwedeng bumiyahe at sa Mother’s Day nga, hindi raw ito makakasama ng magkapatid.

Dahil sa It’s Showtime, hindi raw basta makakaalis si Anne para pumunta sa Brisbane, Australia kung saan based si Mommy Carmen.

“Pero naibigay ko na ang Mother’s Day gift ko sa kanya nang magbakasyon ako roon nung Holy Week,” tsika ni Anne nang makausap namin sa launch niya bilang first brand ambassador ng online shop na Shopee Philippines.

Bukod sa husband niya na si Erwan Heussaff, marami ring naiturong dishes si Mommy Carmen sa anak at karamihan doon ay niluluto raw ni Anne.

Sa kanilang magkapatid naman daw, mas maraming alam lutuin si Jasmine, kaya siya raw, nag-aaral-aral pa rin ng iba’t ibang dishes.

Samantala, inusisa rin namin si Anne tungkol sa tsikang may mga bagay na lang daw na inaayos at pipirma na sa GMA 7 ang kanyang kapatid, samantalang siya naman ay nag-renew kahapon ng exclusive contract sa ABS-CBN.

Ayaw magsalita ni Anne tungkol sa tsikang magiging Kapuso na si Jasmine na ilang taon din namang naging exclusive sa TV5 at natsika ring pipirma sa Kapamilya network.

“Talaga, pipirma na sa GMA 7 si Jasmine? I don’t know, eh. Hahaha!” tatawa-tawang sabi ni Anne na mukhang pagdating sa career moves ni Jasmine ay ayaw niyang makialam o ayaw lang niyang ibuking kung talaga bang magiging Kapuso na ang kapatid.

Lolit active sa IG

Contrary sa paniniwala ng marami na ang editor naming si Salve Asis ang gumagawa ng mga post ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account (@akosilolitsolis) dahil nga palagi niyang binabanggit doon si Salve, ang totoo, administrator lang ang editor namin sa IG account ni Manay Lolit at siya mismo ang ang nagsusulat ng mga ipo-post doon.

At napatunayan namin ‘yon kahapon nang magkasama kami sa ope­ning ng Japanese shushi fusion restaurant na 81 Sei Hai sa Timog Avenue, Quezon City.

Naloka kasi kami nang mataranta si Manay Lolit at inakalang nawawala ang kanyang cell phone na gina­gamit niya na pang-check ng IG niya.

Hmph! Senior moment lang pala dahil nadiskubre rin ni Manay Lolit na nakasuksok lang pala sa kanyang bulsa ang cellphone na ‘yon, ‘noh?!

“Hahaha!” tawa na lang nang tawa si Manay Lolit sa kanyang pagkataranta sa maling akalang nawawala ang kanyang cellphone, huh!

John Lloyd nagpaparamdam na raw

Nasa opening din ng 81 Sei Hai si Mitoy Yonting, ang singer/comedian ng ABS-CBN.

Kasama pa rin si Mitoy sa cast ng Home Sweetie Home at inamin naman niya na noong una ay narinig din nila na hindi na magtatagal ang kanilang sitcom dahil umalis na nga roon si John Lloyd Cruz.

Pero lately raw, parang ang ganda ng takbo ng kanilang sitcom at pati ra­tings nila ay okey na okey naman.

“Sa tingin ko, magtatagal pa talaga kasi ngayon pa lang nagsisimula ‘yung kina Piolo (Pascual) at Ogie (Alcasid). Masaya naman kami,” sabi ng singer/comedian.

Napagkuwentuhan din namin ang pagku-quit sa showbiz ni John Lloyd.

Sabi ni Mitoy, may hint na raw sila tungkol sa bagay na ‘yon.

“Parang nababanggit na rin niya na gusto niyang magkapamilya at magpahinga. May hint na,” sabi ni Mitoy.

Noong una raw, talagang tahimik si John Lloyd.

Kahit daw sa pinaka-close sa aktor, si Jobert Austria, na kasama nila sa cast, ay hindi raw nagpaparamdam si John Lloyd.

“Pero last week lang, nag-text daw si Jobert kay John Lloyd at nag-reply na. Noong una lang talaga, tahimik talaga. Pero magandang sign na ‘yon na sumagot na sa text ni Jobert si John Lloyd.

“Silang dalawa kasi ‘yung talagang close na close noong nagte-taping pa ng Home Sweetie Home si John Lloyd,” kuwento pa ni Mitoy.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with