_pang-masa
^

Pang Movies

Kaseksihan ni Maja kinaumayan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kaseksihan ni Maja kinaumayan
Maja

Maraming naumay sa sexy photos ni Maja Salvador sa social media.

Mula kasi sa Maldives ay dumiretso  siya sa Amanpulo kaya tadtad ang sexy photos niya sa social media.

Parang wala na nga naman ipapakitang bago sa katawan niya kung nailantad mo na.

Ang mga Hollywood stars din naman ay may social media accounts pero madalas sa promo lang nila ginagamit. Maging ang Korean stars, ganundin.

Eh ang local stars natin, hataw sa social media. Lahat ng anggulo nila may picture sila. Cyber diary talaga.

Ryza pasok sa Probinsyano

Isa si Ryza Cenon sa mga Viva ar­tists ng pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kahapon.

Sinabay siya sa renewal ng conctract nina Anne Curtis, Martin Nievera, Yam Concepcion and Boy Abunda.

Heard na mas malaki ang talent fee ni Ryza sa pinirmahang kontrata sa Dos kesa sa GMA 7 na in all fairness ay nag-alaga kay Ryza.

Sa Ang Probinsyano unang mapapanood ang dating Kapuso actress.

MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with