JLC
Dalawang John sabay magiging kapuso?!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 11, 2018 - 12:00am

Medyo naguguluhan ang fans, sino raw ba talaga ang lilipat sa GMA Network, si John Lloyd Cruz o si John Estrada? Ang medyo malinaw nang lilipat sa GMA ay si John Estrada dahil noong isang araw ay ipinakita niyang may pinag-aaralan na siyang script, hindi lamang niya sinabi kung ano ang said project na magiging una niya paglipat niya sa Kapuso network. May nagsabi naman na hindi raw naman pipirma ng exclusive contract si John, at per project contract lamang siya.

Kung si John Lloyd Cruz naman ang sinasabing lilipat sa GMA, hindi na bago ito dahil noon ay nagbalak na siyang lumipat sa GMA nang medyo nagkaproblema siya sa contract niya sa Kapamilya Network. 

Naayos na raw iyon, pero hindi natuloy dahil ibinigay daw ang hinihingi ni Lloydie sa ABS-CBN.  This time, kung siya nga ang sinasabing John na lilipat, tingnan natin kung ano ang magiging desisyon niya.

Maine pumalag nang pintasan Ang katawan!

Nag-tweet na rin si Maine Mendoza matapos makatanggap na naman sila ni Alden Richards ng bashing mula sa fans na wala na yatang magawa sa buhay kung hindi maghanap na lamang ng maba-bash. Tila kaligayahan na nilang manira ng kanilang kapwa.

Sa post ni Maine na naka-one piece swimsuit sa isang beach sa Batangas, maraming pumintas sa kanyang suot, kahit ang kanyang katawan ay pinintasan din.  Kaya nag-tweet na siya ng ganito: “It’s just crazy and sad how some people turn out to be unkind and cruel to others. Can we please stop putting other people down? Support who you love; there is no need to degrade and belittle those you do not like/hate.”

Hindi naman ito pinalampas ng mga fans ni Maine at ipinagtanggol siya.

Si Alden ay nag-tweet naman nito: “Whatever life throws at you, find yourself, look up and get back on your feet.”

Kahapon, April 10 sa Las Vegas, Nevada, ginaganap ang 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films Awards at the Westgate Las Vegas Resort & Casino na dumalo si Alden kasama ang iba pang Kapuso nominees. Kahit may sakit si Alden after ng Sikat Ka Kapuso concert sa New Jersey at Toronto, Canada, hindi niya palalampasin iyon dahil finalist ang docu drama niyang Alaala: A Martial Law Special.

Julie Anne mas sumeksi at gumanda kay Benjamin

Dalawang projects ni Julie Anne San Jose ang nilu-look forward ng fans niya, una ang second leg ng concert nilang 3 Stars 1 Heart sa Saturday, April 14, sa CSI Stadia in Dagupan City with Asia’s Songbird Regine Velasquez and Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista. The second one ay ang morning romantic comedy series na My Guitar Princess na makakatambal niya for the first time sina Gil Cuerva at Kiko Estrada.

Maraming nakapansin na mas sexy at beautiful ang aktres at lagi ring naka-smile, dahil daw ba iyon sa boyfriend niyang si Benjamin Alves? Ngiti lamang ang sagot ni Julie.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with