_pang-masa
^

Pang Movies

Tumangay ng milyun-milyon lalaking na-link kina Ella at Erich, wanted!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Tumangay ng milyun-milyon lalaking na-link kina Ella at Erich, wanted!
Xian

Pinaaaresto ngayon ng mga awtoridad ang naging viral sensation na si Christian Albert Gaza o mas nakilala bilang si Xian Gaza dahil sa umano’y panloloko sa dalawang taong nakumbinse niyang maging investor.

Lumikha nang ingay si Gaza nang ma-link siya kay Ella Cruz at sa isa niyang viral post kung nagpagawa siya ng billboard na itinayo sa bandang Morayta, Manila na nag-aaya ng coffee date kay Erich Gonzales.

Dumulog sa Lingkod Kapamilya ng DZMM ang dalawa niyang nabiktima, sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz dahil hindi makita si Gaza matapos maglabas ng dalawang warrant of arrest ang Branch 26 at Branch 120 ng Malabon Metropolitan Trial Court para sa kasong paglabag sa Batas Pambansa 22 o Anti-Bouncing Checks Law.

Sa bahagi ng pahayag ni Cruz, walong taon na niyang kilala ang pamilya ni Christian kaya ‘di niya akalaing lolokohin siya nito at kaya pumayag siyang pautangin ng P2M si Xian para sa coffee shop na ipatatayo.

Coffee shop din ang dahilan ng pagpapautang sa kanya ni Asuncion pero hindi rin siya nakabayad ng inutang.

Ex-B naloko sa probinsya

Nakaranas naman ng panloloko ang rap group Ex Battalion nang hindi nabayaran sa isa nilang out of town appearance. Ayon ito sa report ni Arnold Clavio sa kanyang DZBB program kahapon.

Hindi nagbigay ng detalye si Igan kung saang festival nangyari ang panunuba sa Ex-B. Basta ang sinabi niyang amount na hindi ibinayad ay P200K.

Wala namang sagot si AiAi delas Alas sa text namin para makakuha ng detalye dahil siya ang manager ng rap group. Sa isang pic na pinost sa kanyang Instagram, nagpasalamat siya sa Masbate para sa show ng Ex-Batallion.

Maja sa Amanpulo naman nagkalat ng alindog

Non-stop ang pagpapasilip ng singit, matambok na puwet at kurbada ng katawan ni Maja Salvador sa kanyang #MSescapades. From Maldives, dumiretso siya sa Amapulo upang doon namang magpasiklab, huh!

May ka-twining si Maja sa suot na two-piece swimsuit sa latest IG pic habang naglalakad sa white sand.

“A little sister time is good for the soul. Loveyou ateng @luchiejoson #MSescapades #twinnin,” caption ni Maja.

CHRISTIAN ALBERT GAZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with