Gina ipinagdasal si Nora!
Gina Alajar
Gina ipinagdasal si Nora!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 9, 2018 - 12:00am

Pinagdasal daw ng award-winning actress na si Ms. Gina Alajar ang makatrabaho ulit si Superstar Nora Aunor. Ngayon ay direktor na siya ni Ate Guy sa upcoming primetime teleserye na Extraordinary Love.

“Nagpapasalamat ako sa ating Superstar dahil tinanggap niya ang proyekto, answered prayer ito.

“I’ve never felt so excited sa isang proyekto na ginawa ko,” ngiti pa ni Direk Gina.

Ayon naman kay Ate Guy, hindi raw niya kayang tanggihan ang proyekto lalo na’t marami na silang pinagsamahan ni Direk Gina. Bukod sa kaibigan, kumare pa raw niya ito.

“Hindi ako puwedeng hindi pumayag dito dahil sa ating direktor, si kumareng Gina Alajar.

“Ngayon, makakasama ko siya bilang direktor. First time ko ring makakasama ang mga bagets, so excited po,” sey ni Ate Guy.

Natuwa rin si Ate Guy dahil kasama rin sa cast si Gardo Versoza na huli niyang nakatrabaho sa pelikulang Hustisya noong 2014 pa.

“Wala kaming gagawin kung ‘di magtawanan lang sa set. Ipagluluto po tayo ni Gardo ng laing,” natatawang kuwento pa ni Ate Guy.

Anak nina Marian at Dingdong balik sa pag-arte

Dahil extended ulit ang top-rating GMA 7 primetime teleserye na Kambal Karibal, bukod sa mga bida nito na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara, isa rin sa kinatutuwaan ay ang frenie ni Crisan na si Norilyn or Nori for short.

Si Nori ang classmate ni Crisan na naniniwala sa supernatural at kinaiinisan siya ni Jean Garcia kaya ang tawag sa kanya ay Babaeng Panda.

Ang gumaganap na si Nori ay walang iba kundi si Franchesca Salcedo o mas nakilala bilang si Cruzita Santibanez sa teleserye noon na Marimar.

Si Franchesca or Chesca ang gumanap noon na anak nila Marian Rivera at Dingdong Dantes sa 2007 Philippine version ng hit Mexican telenovela na Marimar.

Five-years old lang si Chesca noong mag-audition siya para sa gaganap na Cruzita sa Marimar.

Marami ang hindi makapaniwala na 16-years old na ang dating paslit na kinakarga lang noon nila Marian at Dingdong sa Marimar.

Ngayon ay muli siyang nabigyan ng mahalagang role bilang best friend ni Crisan at tutulong para maibalik ang katawan nito mula sa kakambal na si Crisel sa Kambal Karibal.

Meryl Streep nagsimula na ulit sa Big Little Lies

Nagbunyi ang fans ng award-winning Hollywood actress na si Meryl Streep dahil nagsimula na ito ng kanyang shoot para sa season two ng HBO series na Big Little Lies.

Pinost ni Nicole Kidman sa kanyang Instagram ang first day shoot nila ni Meryl sa set.

“First day on the set with Meryl and “my” darling boys! #BigLittleLies,” caption pa ni Kidman.

Gaganap si Meryl bilang si Mary Louise Wright, ang mother ng pumanaw na mister ni Nicole sa series na si Perry Wright (played by Alexander Skarsgard). Bumisita ito sa Monterey para alamin ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak.

Nagkasama sa 2002 film na The Hours sina Nicole at Meryl.

Bukod kina Meryl at Nicole, nagbabalik din for season two ang original cast headed by Reese Witherspoon, Laura Dern, Shailene Woodley, Adam Scott, Zoë Kravitz, James Tupper, Iain Armitage, and Jeffrey Nordling.

Kinuwento ni Reese ang sa Late Night Show with Seth Meyers kung paano nag-yes si Meryl na gawin ang Big Little Lies.

“Well, she sent an email to Nicole and I. And it said, ‘OK, I read the part and I love it and I’m going to do it.’ And I like dropped the phone, like mic drop, but I phone dropped.

“And then I called Nicole and I was like, ‘Is this real life? Is this really happening?’ And then I got off the phone with Nicole and I, like, hugged myself gently for a minute and said, ‘This is really happening. You’re really working with Meryl Streep.’

“Then I called our writer David E. Kelley and said, ‘You better write me good scenes with Meryl Streep!’”

Mag-premiere ang season two of Big Little Lies in 2019.

GINA ALAJAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with