^

Pang Movies

John Lloyd inilantad na ang pangalan at gender ng anak nila ni Ellen?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
John Lloyd inilantad na ang pangalan at gender ng anak nila ni Ellen?!

Dalawa ang Instagram account ni John Lloyd Cruz, ang @ekomsi na open sa public at ang private account na Idan Cruz na para lang sa pamilya at close friends niya.

Nag-post si John Lloyd sa @ekomsi ng picture ng baby crib na may caption na “Guada” kaya nag-one plus one na naman ang followers niya na nakagawa agad ng kuwento na baby girl ang ipinagbubuntis ni Ellen Adarna at Guada ang pangalan na ibibigay nila ng kanyang boyfriend sa bagets.

Hindi na active si John Lloyd sa showbiz pero hindi nawawalan ng mga balita tungkol sa kanila ni Ellen, kahit may mga haka-haka na nag-quit na siya sa showbiz.

Kung mapapansin ninyo, ang mga artista rin ang gumagawa ng mga isyu at balita tungkol sa kanila. Walang mapag-uusapan tungkol kina John Lloyd at Ellen kung hindi sila nagpo-post sa social media ng mga intriguing photo.

Diyan ako bilib kay Sarah Geronimo, ang favorite singer-actress ko na tahimik lang. May social media account si Sarah pero hindi ito nagagamit na source ng mga isyu tungkol sa kanya at sa personal life niya.

Walang ipinagkaiba si Sarah sa Star for All Seasons, ang Lipa City House Representative na si Vilma Santos na active sa social media pero napapanatili pa rin niya ang privacy dahil gumagamit siya ng ibang pangalan.

Pista ng Pelikulang Pilipino naghahanap na ng mga sasali

Tuloy na tuloy sa August 2018 ang 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, ang film festival ng Film Development Council of the Philippines.

Magaganap ang PPP sa August 15 hanggang sa August 21 kaya inaanyayahan ng FDCP ang lahat ng mga interested movie producer na sumali.

Tatanggap ang FDCP ng applications mula April 20 at sa June 15 ang deadline ng submission. Para sa mga nagnanais na lumahok, ito ang mga criteria:

a. The film should have themes reflective of the Filipino sensibilities culture with wide audience appeal.

b. The film should have been produced from 2017-2018.

c. The film must have its Philippine premiere during the Pista ng Pelikulang Pilipino and must not have been previously shown in any format in the country. Films which premiered internationally are eligible.

d. The film should have a minimum of 75 minutes and a maximum of 180minutes in length.

e. The film must be submitted with English subtitles.

f. The producer must have a distributor.

g. The producer must have a marketing plan ready in the event of selection.

Ashley nami-miss si Kuya Will

Ang viral couple na sina Ashley Ortega at Enrico Cuenca ang special guests sa The Poser, You & I, ang episode ngayong hapon ng Dear Uge, ang comedy anthology ni Eugene Domingo sa GMA 7.

Sumikat ang loveteam nina Ashley at Enrico dahil naging viral ang video ng online commercial nila para sa isang fastfood chain.

Si Ashley ang former co-host ni Willie Revillame sa Wowowin pero kasama siya sa mga nagpahinga nang mag-reformat ang top rating game show ng GMA 7.

Gustong-gusto pa naman ni Ashley ang Wowowin stint niya dahil sa mga natututunan niya mula sa kanyang Kuya Will.

Ang kaso, may mga teleserye project si Ashley sa GMA 7 at may conflict ito sa taping ng Wowowin kaya nag-babu siya sa game show ni Willie.

Hindi nakakalimutan ni Ashley ang short stint niya sa Wowowin dahil malaki ang naitulong nito para makilala siya ng masa. I’m sure, nami-miss ni Ashley ang pag-apir niya sa Wowowin.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with