^
Tom dinamay ni Carla sa kabaliwan kay Katy Perry
Carla at Tom

Tom dinamay ni Carla sa kabaliwan kay Katy Perry

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 4, 2018 - 12:00am

Going crazy ang ilang Kapuso celebrities na nanood ng Katy Perry Witness world tour concert last Monday, April 2, sa SM Mall of Asia Arena kahit third time nang bumisita sa bansa ang American popstar.

Spotted sa concert ang lovers na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Caption ni Carla sa pic ni Katy na pinost sa kanyang Instagram “Mahal na mahal kita @katyperry. I’ll forever be a #KatyCat no matter what. As always, you had me bawling like a child with your astounding talent, spectacular costumes and breathtaking production. Manila loves you, Katy!”

Pinost naman ni Gabbi Garcia ang ticket ng concert at sa video ay nakitang kasama niyang nanood si Julia Barretto.

Pumorma namang ala-Katy si Mikee Quintos sa concert.

Bukod sa Kapuso artists na nanonood, ang iba pang sumugod sa concert ay si Ella Cruz at ang mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles.

Zia gagawing model ng portuguese designer

Palung-palo ang nakaraang bakasyon ng pamilya Dantes lalo na sa parte ni Marian Rivera sa Europe. Aba, nagkaroon siya ng pagkakataon na ma-meet nang personal ang kaibigang Portuguese fashion designer na si Jao Raolo nang pumasyal sila sa Portugal.

Ipinagmalaki ni Yan ang pic nila ni Jao sa kanyang Instagram. Naging extra special ang pagbisita nila sa Portugal dahil naging reyalidad ang meet up nila ng designer.

Nagsilbing host si Raolo sa pagbisita ng pamilya Dantes sa Portugal. Kinunan pa niya ng sukat ang katawan ni Zia at sinabing future model niya ang bata.

Ang isa pang moment kaya super special ang biyahe ni Marian sa Europe ay ang pagkikita nila ng papa niya sa Spain.

In case nakalimutan na ninyo, personal na gumawa ng paraan si Raolo upang magkaroon siya ng connection ni Marian via direct message sa Instagram and the rest is history.

Kim seryoso sa pagpapakuwela

Sasabak naman sa pa­­gpapatawa na may ka­sa­mang pana­nakot si Kim Chiu sa bago niyang movie, ang #DOTGA (Da One That Ghost Away).  Halos pawang komedyante ang kasama niya kabilang ang Koreanong si Ryan Bang.

Pero kahit abala sa shooting, pumunta pa rin si Kim sa birthday ng kanyang grandmother sa Cebu City upang ipadama ang pagmamahal.

 “A person who overlooks your faults, praises your every success and encourages your dreams. HAPPY BIRTHDAY AMA!!!,” pagbabahagi pa ni Kim.

Related video:

KATY PERRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with