^

Pang Movies

Juancho tanggal sa isang show, pinarusahan sa ginawa kay Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Juancho tanggal sa isang show, pinarusahan sa ginawa kay Alden

Juancho

Totoo kayang binigyan ng disciplinary action ng GMA Artist Center si Juancho Trivino dahil sa ginawa niya kay Alden Richards?

Balitang may isang big project na isasama si Juancho after ng Inday Will Always Love You nila nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa GMA Public Affairs na malapit nang ipalabas, pero tinanggal na raw siya at ipinalit si Paul Salas na nagbabalik-Kapuso na rin.

Ate Guy at Cherie magpapagalingan

It seems magiging labanan ng aktingan ang bagong teleserye ng GMA 7 na magbabalik-Kapuso ang Superstar na si Nora Aunor.

Makakasama kasi ni Ate Guy si Cherie Gil, at si Gina Alajar ang magdidirek ng serye with Gardo Versoza, Vaness del Moral at young stars na sina Mikee Quintos, Kate Valdez, at Enrico Cuenca.

Nagbabalik-Kapuso rin si Wendell Ramos at may special participation si Luis Alandy.

Natanong namin, paano si Direk Gina na uma-acting naman ngayon sa afternoon prime drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.  

Tuloy pa rin daw si Direk Gina sa serye kahit magdidirek din siya ng bago niyang project.

Sa palagay din namin, first time ito ni Direk Gina kay Ate Guy na dati ay madalas magkasama sa movies noong araw, at madalas ding magkalaban sa mga acting award.

si Mikee ay napapanood sa matatapos nang fantaserye ng GMA Public Affairs na Sirkus every Sunday at si Kate sa Sherlock, Jr. sa primetime block, kaya libre na silang gumawa ng bagong show.

LS inaabangan  

Marami nang excited sa pagsisimula ng Lip Sync Battle Philippines dahil sa mga pronouncement ng mga host na sina Michael V at Iya Villania.

Curious sila kung sino ba ang mauunang mapapanood mamaya at kung dalawa lamang ang maglalaban dahil may 3-way at 4-way nang competition, meaning puwede nang tatlo o apat ang maglalaban-laban sa isang concept na sila-sila ang mag-iisip at ia-approve lamang ng show.

Si Michael V, ang napili niyang mahuhusay na performers last year ay sina Rhian Ramos at Heart Evangelista na ikinagulat ng lahat ang tapang at husay.

Nasa third season na ang show at ang mananalo ay tatawagin pa ring Lip Sync Battle Champion at tatanggap ng Lip Sync Championship Belt.

Mapapanood ang musical-reality competition pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko na magsi-celebrate ng month-long first anniversary.

Dahil Easter Sunday today, si Carla Abellana ang tampok sa Boggs Bunny or the Easter Bunny.  

Hosted ito ni Ms. Gloria Romero as Lola Goreng.  

Ang dalawang magkasunod na shows ay idinidirek ni Rico Gutierrez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with