^

Pang Movies

Ara pumiyok sa pag-aaring mall!

Jun Lalin - Pang-masa
Ara pumiyok sa pag-aaring mall!

Ara

Aksidenteng nakita namin sa GMA 7 si Ara Mina, kaya nakapagtsikahan kaming dalawa.

Inusisa ko si Ara sa tsikang co-owner siya ng isang bagong maliit na mall somewhere sa Quezon City at nagulat siya.

“Hahaha. Wala akong mall. Hindi ako maya­man!” sabi ng actress/pastry chef.

Napansin nga pala namin na malaki ang iniliit ni Ara. Tama ang kuwento ng isang kaibigan na mahilig mag-exercise at yoga ang aktres na kailangan niya bilang isa nga siyang pastry chef at kailangang i burn ang mga tinitikman niyang niluluto.

Sikat ang bagong coffee shop ni Ara, ang Hazelberry Café at siyempre, dahil siya mostly ang nagbe-bake ng pastries na itinitinda, hindi maiwasang napapakain talaga siya, pero dahil sa exercise hindi naman tumataba si Ara.

Ang Ara’s Oreo Cheesecake ang pinakamabili sa mga paninda niya at marami sa mga celebrity na nakatikim na nito, like Martin Nievera, ang nagsasabing sobrang sarap. “Oo nga, nakakain na si Martin at nagustuhan niya, kaya very thankful ako,” sey ni Ara.

Sa grand opening nga ng nasabing coffee shop ni Ara, nagpunta pa si Martin at kinantahan ang mga tao roon, kaya naman tuwang-tuwa ang actress/pastry chef.

Oo nga pala, sumasali rin si Ara sa mga food festival at mabili ang kanyang cheesecakes in a jar at hanggang bukas ay may pop-up store siya sa Shangri-La Mall sa Mandaluyong bilang parte ng kanilang #ShangCelebFoodFest.

Sunshine napupuri pag hindi nangnenega

Mukhang hindi na nga issue kay Sunshine Cruz ‘yung van na sira raw ang break na bigay na service ng estranged husband niyang si Cesar Montano sa tatlo nilang anak.

Kung matatandaan, inireklamo ni Sunshine ang van na ‘yon dahil muntik na nga raw maaksidente ang kanyang mga anak dahil nga sira ang break.

Sa latest post ni Sunshine, sinabi niyang, “Grateful beyond words! I worked hard last year and it paid off. I was able to buy a new van not just for myself but for the kids too. I deserve to replace my 10 year old van and my children deserve a new vehicle as well for being good girls and especially for being achievers in school. I’m one proud mom. Congratulations to my Angelina, Sam and Chesca. Good job princesses! It’s now time for mom to work harder!”

Mas marami nga ang natutuwa kapag nagpo-post ng ganoong mga positibong bagay si Sunshine sa kanyang Facebook account kumpara kapag nagrereklamo siya tungkol sa kanyang estranged husband!

Ruffa hinihintay magpaka-stage mom kay Lorin

Excited kami bukas sa endorsement pictorial ni Lorin Bektas para sa isang make-up brand na magke-cater sa mga teenager.

Pinapayagan na ni Ruffa Gutierrez na mag-endorse ang anak.

Okey lang kay Ruffa na mag-endorse ng make-up brand ang kanyang panganay dahil nagme-make-up na talaga ito.

Teka! Magpapaka-stage mother kaya si Ruffa kay Lorin bukas sa pictorial na ‘yon?

O baka naman talbugan pa siya ni Annabelle Rama at ito ang magpapaka-stage lola sa kanyang unang apo, huh!

Kapag binibiro namin si Ruffa na for sure ay katulad din siya ng kanyang nanay sa pagka-stage mother, sinasabi niya na walang tatalbog kay Bisaya at tatawa-tawa lang siya, pero feeling namin, mana lang kay Bisaya si Ruffa na magiging isang stage mother din kina Lorin at Venice! 

Regal sunud sunod ang pelikula!

Puspusan ang shooting ng mga pelikulang Walwal at My 2 Mommies ng Regal Entertainment.

In fairness, sunud-sunod pa rin ang mga pelikula ng Regal, huh!

Pino-promote na rin nila ang So Connected movie ni Janella Salvador at ng Hashtags member na si Jameson Blake na sa May pa yata ang showing.

Nakakatuwa na hindi pa rin sumusuko sa pagpoprodyus ng mga pelikula si Mother Lily Monteverde na ngayon ay sinasabing ipinasa na niya ang pagiging bossing ng Regal sa anak na si Roselle Monteverde-Teo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with