^

Pang Movies

Reyna at hindi na prinsesa Sarah solid ang career sa 15 years!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Reyna at hindi na prinsesa Sarah solid ang career sa 15 years!

Sarah

Hindi halos natin namamalayan, 15 taon na pala si Sarah Geronimo sa showbusiness at masasabing sa buong panahong iyan ay na-enjoy niya ang kasikatan. Kasi pagkatapos niyang manalo sa Star For A Night, sumikat na siya agad. Marami na ang kumuha sa kanyang mga shows. Maya-maya lang may CD na siya, tapos nakuha na rin siya sa telebisyon at ilang panahon lang gumagawa na siya ng pelikula.

Kung iisipin mo, simula noon ay nag-reyna na siya sa lahat ng uri ng entertainment forms, maging pelikula man, musika, tele­bisyon at lahat na.

Iyan ang talagang reyna dahil sinusuportahan ng fans, hindi iyong nag-reyna lamang dahil sa mga paid trolls na nagpipilit na reyna siya.

Para i-celebrate ang kanyang labinlimang taon, may concert siya ulit sa big dome sa April 14, na tinawag nilang This I5 Me. Malakihang concert talaga iyan, pero isang araw lang daw na palagay namin hindi puwedeng isang araw lamang kasi kung natatandaan ninyo, noong minsang mag-concert si Sarah, isang araw lang din dapat sa Araneta, pero sa rami ng tao, kailangang ulitin nila ang noong sumunod na araw sa isang mas malaking venue, doon sa MOA Arena, at napuno niya ulit iyon.

Kaya kung ang preparasyon nila ngayon ay para sa isang one day concert lang, baka dapat mag-isip na sila. Kasi si Sarah basta may concert talagang dinudumog ng kanyang fans. Eh bukod sa fans, may mga music lovers talaga na gusto ring mapanood si Sarah. Kaya ang tickets sa concerts niya pakyawan ang bili eh at nagpipista ang mga scal­pers.

Hindi iyan kagaya noong iba na may nakatayo sa harap ng coliseum pero hindi scalpers kung di nagpapamigay ng libreng tickets, may manood lang.

Kung iisipin mo nga naman, sa loob ng 15 taon, na-overtake ni Sarah ang popularidad ng maraming stars na mas nauna sa kanya.

At hindi lahat ng tao ganyan ang suwerte.

Miss Tapia, pumanaw na!

Wala na si Miss Tapia. Noong nakaraang linggo, na-stroke si Mely Tagasa, o Miss Tapia at dinala siya sa ospital. Naging comatose siya simula noon. Nabubuhay na lamang siya dahil sa isang respirator at nahihirapan naman siya dahil doon. Kaya nga napagkasunduan ng mga doctor at maging ng pamilya niya na alisin ang respirator at buhayin siya sa pamamagitan ng oxygen na lamang.

Kahapon nga ng madaling araw, March 24, sa ganap na 12:26, binawian na ng buhay si Miss Tapia. Sayang, sana ay 83 na siya sa susunod na buwan kung umabot man lang sa birthday niya. Pero ok na rin naman iyon. Iyang ganyan kahabang buhay ay masasabi mong bonus na. Mabuti na rin kaysa sa nahihirapan siya.

Hindi totoong suplada si Aling Mely kagaya ni Miss Tapia. In fact, napakabait at laging nakangiti basta walang camera. Sa harap ng camera lang siya suplada.

Kawawang mister, walang kilig Asawa ng isang pulitiko, obvious na obvious na in love pa sa ex

Aliw naman kami doon sa blind item noong isang araw nina Arnold Clavio, Mike Enriquez at Ali Sotto. Hindi na kailangang hulaan eh kasi alam na naman ng mga tao iyon. Tungkol sa isang government official na hindi mapalagay dahil ang asawa niya ay mukhang kinikilig pa rin sa ex niya.

Kung iisipin mo, bakit pa siya magtataka kung ang asawa niya ay kinikilig sa ex eh hindi naman siya nakakakilig talaga. Pero ang aliw kami doon sa sinabi ni Ali, “eh iyong ex kinikilig din ba”. Oo nga ano, parang iyong ex hindi naman kinikilig sa asawa ni government official.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with