^

Pang Movies

Drama actress wasak na wasak, dyowang nagbabanda nagtanan ng mas bata!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na luhaan na iniwan na lang basta ang drama actress na ito ng kanyang musician boyfriend para sa isang girl na mas bata sa kanya?

Ito nga ang malungkot na nangyari sa drama actress na super in-love sa kanyang boylet, pero nagawa pang mambabae at iwan siya.

Sa mga kuwento ng friends ni drama actress, matagal na raw may problema ang relasyon ng dalawa dahil hindi raw matigil sa kanyang pambabae ang boyfriend niya.

Tuwing may nababalitaan si drama actress na may nai-date ang kanyang boyfriend sa isang lugar kung saan may gig sila, nagwawala ang drama actress pero nadadala naman siya sa lambing ng boyfriend niya.

Pero this time, iba na talaga dahil hindi lang nambabae ang boyfriend ni drama actress kundi itinanan pa raw nito ang girl.

Kahit na nasa tamang edad na raw ang babae para sumama sa boyfriend ni drama actress, nanghinayang ang parents ng girl dahil papatapos na raw ito sa kanyang kurso sa kolehiyo.

Pero wala nang magawa ang parents dahil sumama raw ang girl sa ibang bansa.

Para kay drama actress, hindi niya alam kung ano ang mas masakit. ‘Yung bigla ka na lang iwan ng boyfriend mo o ‘yung ipinagpalit ka sa babaeng mas bata sa iyo.

Carmina ayaw payagang mag-travel ang kambal

Malapit na ngang mag-18 years old ang kambal nila Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sina Maverick at Cassandra Legaspi.

Pero wala pa naman daw silang pinaplanong party para sa kambal. Aalamin na lang daw muna ni Mina kung ano ang gusto ng dalawa for their birthday.

“Parang iba na rin kasi ‘di ba yung mga teenagers ngayon.

“Parang instead of having a debut or a grand party, they would rather go to other countries. ‘Yung gano’n, so hindi ko pa alam, depende rin kasi sa kanila kung ano ang gusto nila,” sey pa ni Mina.

Kung hilingin daw ng kambal na mag-travel sila, papayagan ba nila ni Zoren na bumiyahe ang dalawa na sila lang?

“Ay never!” natatawang sagot ni Mina.

Mas gusto raw kasi ni Mina na isang buong pamilya sila magbiyahe.

Bata pa lang umiinom at nagdodroga na Demi Lovato noon pa gustong magpakamatay

Inamin ng singer na si Demi Lovato muntik na siyang mag-suicide sa edad na seven.

Ito ang naging confession niya noong ma-interview siya sa show na Dr. Phil kung saan nag-open up siya tungkol sa kanyang sobriety suicidal thoughts at ang recovery mula sa mental health issues niya.

“The very first time I was suicidal was when I was seven and I had this fascination with death.

“I have experienced things… things that I have not talked about and don’t know if I ever will talk about.

“At seven, I knew that if I were to take my own life that the pain would end,” pag-amin pa ni Demi.

Ang pambu-bully sa kanya sa school ang naging dahilan ng depression ni Demi na may sakit na bipolar disorder. Nagkaroon din siya ng eating disorder. Binu-bully siya dahil sa paglabas niya sa TV show na Barney & Friends.

Sa edad na 12 ay natuto na raw na gumamit si Demi ng mga pinagbabawal na droga at tumikim ng alak.

Isa rin daw na factor sa mental issues ni Demi ay ang hindi magandang relasyon niya sa kanyang ama na si Patrick Lovato.

Iniwan ni Patrick ang kanyang pamilya noong bata pa si Demi at pumanaw na ito sa edad na 53 dahil sa sakit na cancer.

“He was abusive. He was mean but he wanted to be a good person and he wanted to have his family, and when my mom married my step dad, he still had this huge heart where he would say, ‘I am so glad that he’s taking care of you and doing the job that I wish I could do,” pagtapos pa ni Demi Lovato.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with