^

Pang Movies

Fans litung-lito na Sharon may bago na namang leading man, Gabby laglag na talaga

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Fans litung-lito na Sharon may bago na namang leading man, Gabby laglag na talaga

Sharon

Nagbigay na ng update si Sharon Cuneta kahapon sa kanyang Instagram account tungkol sa bagong pelikulang gagawin niya sa Star Ci­ne­ma.

May meeting dapat sana siya kahapon sa Star Cinema bosses para nga pag-usapan ang tungkol dito pero sa bagong post niya, sinabi niyang na-cancel ang meeting pero alam na raw niya ang movie na gagawin niya at base sa mensahe niya, okay na okay sa kanya ang plano.

“Hi again! Meeting cancelled cos of change of plans of other people. I know na my next movie. Back to my original project. Haven’t worked with my partner in a long time! Should be fun! God took me where I should be. It’s all good! Thank You Lord!!! (Titas/Inang, sabi ko na si Empoy na lang eh! Bait-bait nun hahaha!),” post ni Shawie.

Dahil dito ay kanya-kanya nang spekulasyon at tanong ang kanyang mga followers kung hindi na raw ba si Gabby Concepcion ang leading man niya.

May sumagot na baka raw hindi na si Gabby base sa linya ng Megastar na “haven’t worked with my partner in a long time.”

May nagbabanggit ng pangalan ni Richard Gomez pero siyempre, wala pa itong kasiguraduhan.

Anyway, lahat naman ng fans sa comment section ay nagsabing sinuman ang leading man niya ay susuportahan pa rin nila ang pelikula.

Sa isang post naman ni Shawie ay nabanggit niyang dalawang pelikula ang nakatakdang i-present sa kanya ng Star Cinema kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang mga fans.

Marlo maraming pinaiyak sa kuwento ng nanay

Nakakaiyak naman ang post ni Marlo Mortel sa kanyang Twitter account tungkol sa kanyang ina, who as we all know has been battling breast cancer for quite some time now.

“Talked to my Mom before her chemo today. She said if she could only ride a time machine, she’d go back to the days when she was still strong & when I was still a baby ‘cause those were the happiest moments of her life. She felt like the luckiest woman on earth. If only mommy,” tweet ni Marlo na umani ng katakut-takot na likes, comments and retweets.

Ang daming nagbigay ng encouraging words sa young actor advising him to stay strong and have faith in God.

Kahapon naman ay nag-post ng short video si Marlo habang nasa hospital siya para samahan ang ina at sey niya sa caption, “hospital duties. Waiting in line for my mom to get a room.”

Sa totoo lang, kahanga-hanga ang pagiging isang mabait na anak ni Marlo. Matatandaang last year ay nagdaos pa siya ng fundraising concert para sa kanyang ina at nakikita talaga nating ginagawa niya ang lahat ng makakaya para maka-survive ang mommy niya.

Marlo’s mom has been diagnoses with breast cancer since 2014. Sa kwento niya sa isang interview noon, na-diagnose raw ito noong stage 3 na at ngayon ay nasa stage 4 na.

Sa kabila ng dinada­a­nang pagsubok, pinipilit ni Marlo na magiging matatag para sa kanyang ina na isa pang bagay na kahanga-hanga sa bagets.

Kami man ay nagdasasal na sana’y malampasan ng kanyang pamilya ang mabigat na pagsubok na ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with