^

Pang Movies

Aubrey at Troy, wapakels sa paghuhubad

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Aubrey at Troy, wapakels sa paghuhubad

Aubrey at Troy

Natatawa lang kami kung minsan, ano nga ba ang issue kung sina Troy Montero at Aubrey Miles ay nagpunta sa isang private resort at nag-swimming at sun bathing nang nakahubad? Private resort iyon at kung mapapansin ninyo sa mga kumalat na pictures, wala namang ibang tao. Ibig sabihin, siniguro nila ang kanilang privacy.

May kumuha ng mga picture. Hindi natin alam kung sila mismo iyon o may kasama sila na kumuha ng pictures, pero maliwanag na pinayagan nila ang kumuha ng pictures nila sila mismo ay inilabas iyon sa kanilang social media posts.

In fact, noong unang may nagpakita sa amin ng mga picture na iyon ay bantulot kaming patulan, kasi kahit na sabihin mong mga artista sila at mga public property ngang tinuturingan, mayroon din silang karapatan na magkaroon ng privacy. Invasion of privacy ang tawag kung pakikialaman mo ang mga bagay na personal lamang sa kanilang buhay.  Hindi pinahihintulutan iyon sa lehitimong practice ng pagbabalita. Iyong mga blogger puwedeng gawin iyon, wala namang umiiral na code of ethics diyan sa mga iyan.

Siguro kung iyon ay wala sa ayos sa paningin ng iba, eh ‘di huwag ninyong tingnan. Hindi naman kasi iyon ginawa para sa publicity. Kung sadya mang ginawa iyon para sa kanilang publisidad, aba eh choice nila iyon, after all sila ay nasa tamang edad na. Nasa publiko iyan kung ano ang palagay nila at kaila­ngang umiral kung ano man ang gusto nila. Pero kung ayaw ninyong makakita ng ganoon, eh ‘di huwag tingnan.

Kung kami naman ang tatanungin, walang masama sa mga litratong iyon.

Nakahubad sila pero mahusay naman ang pagkakagawa ng mga picture at wala namang nakitang private parts. Wala na rin namang suggested man lang na mahalay na gawain. Naliligo eh, gusto nila nang nakahubad, ano nga ba ang pakialam ninyo? Nagsa-sun bathing, at ayaw nilang magkaroon ng bakat ng anumang suot na damit para pantay ang kulay ng buong katawan, ‘di naghubad sila. Ano ang masama roon?

Imelda pag aaralin sa TESDA ang mga walang ginagawang artista

Kung magtutuloy ang pananamlay ng industriya ng pelikula at para doon sa mga artista na medyo retired na, ang proyekto ng kasalukuyang presidente ng Kapisa­nan Ng Mga Artista Sa Pelikulang Pilipino At Telebisyon (KAPPT) na si Imel­da Papin ay hayaan silang magsanay sa ilalim ng TESDA para magkaroon sila ng ibang hanapbuhay. 

Natatandaan namin may ganyan ding ideya noon si Kuya Germs noong siya pa ang presidente ng KAPPT, hindi nga lang naisulong. Pero ngayong si Imelda, nagpunta pa nga sa Malacañang, napag-usapan ang mga bagay na iyan at ngayon ay plantsado na.

Iyan ang sagot doon sa mga nagiging kawawang kalagayan ng mga dating artistang nagkakasakit at walang matakbuhan pagdating ng araw. Hindi napaghandaan ang pagtanda.

Iyon ang naging kuwentuhan namin noong isang gabi sa birthday party ng aming kasamahang si Junne Quintana. Pero ang mas matindi roon ay iyong mga throwback stories at mga tsismis na nangyari noong mga nakaraang panahon. Iisipin mo nga ba naman, iyong mga artistang natsismis noon at alam naming totoo ang mga nangyaring tsismis eh sikat pa rin hanggang ngayon.

Walang nagawa si Imelda Papin na pigilin ang mga tsismis kahit na siya pa ang presidente ng KAPPT at kapwa niya artista ang pinag-uusapan. Alam din kasi niya na totoo ang lahat ng mga kuwentong iyon. Si Imelda pa ba, eh matagal ding naging barkada ng mga entertainment writers iyan, nagsisimula pa lamang siya ng kanyang career.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with