^

Pang Movies

Direk Cathy kinastigo ng JaDine fans sa ‘paninira’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nakakaloka ang sobrang daming JaDine fans na kumukuyog ngayon kay direk Cathy Garcia-Molina dahil nga sa mga naging pahayag niya sa Twitter sa isang fan na nagtanong kung pwede ba niyang idirek sina James Reid at Nadine Lustre.

Tumanggi ang direktora na idirek ang dalawa dahil may mga naririnig daw siya kina direk Dan Villegas at direk Antoinette Jadaone tungkol sa dalawa.

Nang sabihan siya ng fan na hindi siya dapat maniwala sa sabi-sabi, sagot ni direk Cathy ay hindi tsismis ang nakarating sa kanya dahil nagkataong kaibigan niya sina direk Dan and direk Tonette.

“Pero tama ka naman na hindi dapat maniwala sa sabi sabi. Nagkataon lang na malapit kong kaibigan sila tonet at lalo na si Dan. Kaya hindi tsismis ang nakarating sa akin.

“Hindi sabi-sabi lang.

“At nakatrabaho ko na rin si James nung nasa abs pa lang siya at baguhan pa. Sa Pintada. Hindi ko alam kung napanood mo po yun,” tweet ni direk Cathy sa fan.

Kaya naman inulan na ng katakut-takot na pangbabatikos ang direktor at sinabihang unprofessio­nal ang mga comments nito lalo pa nga’t nandamay siya ng ibang direktor.

Maya-maya ay nag-sorry naman si direk Cathy sa dalawang direktor nang ma-realize na nga niya na lumalaki na ang issue.

“@tonetjadaone @danvillegas I’m so sorry Dan and Tonet. Nakalimutan kong posibleng lumaki to. No ill intensions whatsoever. I’m so sorry nakalimutan ko na maraming nakalabasa nito. May nagreact ng iba before I realized my booboo. Sorry again,” tweet ni direk Cathy.

Sa kabila nito ay hindi dito natapos ang gulo at lalo pa ngang lumaki dahil ang ibang fans ay binash na nang bonggang bongga sina direk Tonette at direk Dan.

Ang iba naman, inakusahan si direk Cathy na part daw ito ng demolition job sa JaDine para hindi kumita ang Never Not Love You.

Katakot-takot na masasakit na pananalita ang inabot ni direk Cathy mula sa JaDine fans. Good thing, hindi na talaga sumagot si direk.

Pero marami naman din ang nagtanggol sa kan­ya at nagsabing hindi siya dapat mag-apo­logize dahil naging honest lang siya.

Samantala, quiet naman sina direk Tonet at direk Dan sa issue and as we write ay wala pa silang pahayag tungkol dito.

Sigurado na sa pagiging box office hit

Speaking of JaDine, kung ang views ng trailer nila sa You Tube at iba pang social media ang pagbabasehan, sigurado na ang pagiging box-office hit ng reunion movie nilang Never Not Love You na showing na sa March 31 (Black Saturday).

Halos iisa nga ang komento ng mga fans – talaga raw nag-level-up na ang team real in terms of maturity at pag-arte.

Sey nga ng fans, “It is Team Real at its best -- as real as it can get.”

Actually, malayo na talaga ang karakter nina James and Nadine sa Never Not Love You sa mga inosente at easy going characters nila na ginampanan sa debut film nilang Diary ng Panget at mga phenomenal primetime teleserye nilang Till I Met You at On the Wings of Love.

Makikita sa pelikula ang piling-piling eksena mula sa London kung saan supposed to be ay nagtrabaho ang mga karakter ng JaDine na sina Gio na isang graphic designer at Joanne na isa namang management trainee sa isang ad agency/direct selling company.

Daraan sa matinding pagsubok ang kanilang carefree at reckless na pagmamahalan nang magsanga ang kanilang mga pangarap sa buhay at paghihiwalayin ng personal choices ng bawat isa.

After five years, muling magtatagpo ang kanilang mga landas at mari-realize nila na marami nang nagbago, kasama na ang klase ng pagmamahal na meron sila para sa isa’t isa.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with