^

Pang Movies

Si Pia raw ang dahilan, Gerald at Bea pinagdududahan ang hiwalayan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Si Pia raw ang dahilan, Gerald at Bea pinagdududahan ang hiwalayan!

Pia at Gerald

Split na nga ba sina Gerald Anderson and Bea Alonzo? At ang third party raw, si Pia Wurtzbach.

Or baka naman promo pa rin ito ng pelikulang My Perfect You na hindi masyadong maganda ang word of mouth?

Palabas pa ang pelikula at pinagdududahang promo ito matapos nga ring magsalita si Direk Cathy Garcia Molina sa Twitter tungkol sa kuwento umano nina Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone kina James Reid and Nadine Lustre. Si Direk Cathy ang director ng My Perfect You.

Siyempre, alam naman ni Direk Cathy ang epekto nung sinabi niya. Sinubukan lang siguro niya kung hindi papalag ang fans ng JaDine. Pero ‘yun nga, nanggigil sa galit ang fans.

Kasabay daw kasi ng pakikipagbaliktaktakan ni Direk Cathy sa JaDine fan ang kabi-kabilang promotion ng movie nina Gerald and Pia (My Perfect You) na hindi raw gaanong kalakihan ang kinita sa takilya kumpara sa ibang pelikula ni Gerald.

Naging basis din ng kuwentong split na sina Gerald at Bea ay nang i-unfollow ng actress ang BF na actor.

No words yet mula sa magkakaibang kampo.

Kim tungkol na naman sa ghost ang gagawin

The One That Ghost Away ang title ng bagong pelikula ng Star Cinema starring Kim Chiu.

Matuwa kaya ang GMA 7 sa title ng pelikula? The One That Got Away ang title siyem­pre ng kanilang primetime series na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Rhian Ramos, Lovi Poe among others.

Though sa title pa lang, parang comedy ang bagong project na ito ng Star Cinema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with