^

Pang Movies

Mark at Alden mga golden boy!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Mark at Alden mga golden boy!

Alden, Mark

So far so good, umaalagwa, parang saranggola na habang pinalilipad ay pataas nang pataas. Ganyan ang showbiz career ng Golden Boy ng Golden City, Sta. Rosa, Laguna na si Alden Richards.

Ang bulong sa amin ng kanyang handler, nasa 20 ang kanyang iba’t ibang produkto na iniindorso in TV & print. Kamakailan lang, ang commercial ng safeguard ang mapapanood sa telebisyon at soon to come out ang iba.

Baka magulat kayo dahil may isa na namang Concha’s restaurant ang dadayuhin sa Global City. Bale pangatlo na itong resto na family business nina Alden.  Kakambal talaga ng swerte ang aktor.

Sa Golden City din nagsimula ang aktor na si Mark Herras na kahit saang angulo mo sipatin ay guwapo at sanay ang mga paa sa pagsayaw. Marami ding proyekto si Mark na alaga ng GMA 7. Never siyang natukso na lumipat sa ibang network.

Pero for a while ay lumaylay ang kanyang career dahil sa family problem. Parang nagrebelde si Mark, pero with the advice of his manager, si katotong Lolit Solis, nabuhay ulit ang career ng nasabing aktor at thanks sa isang beauty queen na nagpatibok sa kanyang puso, walang iba kung hindi si Winwyn Marquez. Heto’t alive and kicking ang actor. May mga naka-line up na siyang proyekto sa GMA. Una na rito sa serye na Contessa bilang leading man ni Glaiza de Castro. Maikli man ang role ni Mark, markado naman ito.

May aabangan pa tayo na Golden Boys, ang Magno Twins na parehong gwapo rin, still learning at posibleng mamayagpag ang kanilang TV and singing career. Almost 18 years old lang sila pero makikisig at pang-showbiz ang dating.

May ibang taga-Golden City ang namayagpag noon, like Renzo, na naging sikat sa singing, pero ngayon ay magtatapos na ng college. Si Nadine Samonte at ilang fashion models. Take note, palibhasa’y artista ang punong bayan si Mayor Dan Fernandez na kahit haggard-looking dahil very workaholic, aba ay pogi pa rin!

Calling Mayor Dan…

Calling the office of our good Mayor Dan Fernandez, siya lang po ang pwedeng mag-utos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na sana ayusin naman ang baku-bakong kalsada na malapit sa Puregold, Mini Stop, Generika, at bagong bukas na Ehje’s Resto.

Grabe, ang daming nadadapa at isa na ako, kaya ako nagalit. Maliit na request lang naman.

Napahiya ako, buti ‘di naman ako nalamog, pero sumabog ang mga dala kong lafang. ‘Yun lang po!

Advance happy holy week to all!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with