^

Pang Movies

Panganganak ni Sarah itinimbre ng aso

Jun Lalin - Pang-masa
Panganganak ni Sarah itinimbre ng aso

Sarah, Richard, at Baby Kai

Nanganak na si Sarah Lahbati kahapon ng 9:30AM sa second baby boy nila ng fiancé niyang si Richard Gutierrez sa isang hospital sa Makati.

Ayon kay Richard nang dumalaw kami sa kanila ni Sarah, baka Kai na talaga ang ipangalan nila sa kanilang second baby boy.

“Unique kasi. Nagandahan kami,” sabi ni Richard.

Si Zion naman, tuwang-tuwa sa kanyang baby brother at sinabing, “I will be a good Kuya!”

Nakakatuwa nga si Zion habang kinakausap namin dahil sinabing kinausap na raw niya si Baby Kai at sumagot pa raw sa kanya ang kapatid.

Natuwa rin kami sa bagets dahil sa tuwing may pumapasok sa room, isinasara niya ang divider sa kuwarto ng kanyang Mommy Sarah para huwag basta makita ng mga pumapasok ang kanyang nanay na nagbe-breastfeed sa kanyang baby brother.

Sobrang saya nga ni Zion na isa na siyang kuya!

Kuwento ni Richard, patulog na sila nang tahol nang tahol ang aso, kaya lumabas daw siya ng room para mag-check. Pagbalik daw niya sa room, nag-break na ang water ni Sarah, kaya pumunta na sila kaagad ng hospital.

Kuwento pa ni Richard, may idea raw talaga sila na kahapon manganganak si Sarah dahil noong Monday ay nagpa-check-up pa ang kanyang lovey-dovey sa OB-gyne.

“Saka mas madaling nakapanganak ngayon si Sarah dahil palagi siyang naglalakad. Prepared talaga siya this time. Kay Zion kasi, medyo nahirapan siya. Saka mas maliit kasi si Kai, bale 3.25kgs lang,” kuwento ni Richard.

Baby Kai kulot din!

Kami ni Annabelle Rama ang unang dalaw ni Sarah.

Pagpasok pa lang namin ng room, tsinek na kaagad ni Bisaya ang hitsura ng kanyang apo at sobrang cute na cute siya.

Tuwang-tuwa naman si Richard na ibinalita sa amin na pareho ni Zion ang buhok ni Kai, kulot din.

Okey na okey na rin si Sarah nang makatsikahan namin.

At habang nasa hospital kami, tinawagan ni Mother Lily Monteverde si Bisaya.

Ibinalita ni Bisaya sa Regal Entertainment producer na nanganak na si Sarah.

Dadalaw nga raw si Mother Lily kay Sarah dahil excited din siyang makita si Baby Kai.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with