^

Pang Movies

Pia walang tinatanggihang raket

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Fifteen years din sa Kapamilya at member ng Star Magic si Pia Wurtzbach pero kung hindi pa siya nanalong Miss Universe ay hindi pa siya magiging ka-loveteam ni Gerald Anderson sa pelikula. Iba raw talaga kapag may title ang isang gustong mag-artista. Masaya si Pia dahil finally natupad na rin ang pangarap niyang mag-artista at napaka-workaholic din niyang babae dahil lahat ng offer ay tinanggap niya. Sabi nga, strike while the iron is hot dahil kapag lumamig ito baka hindi ka na pag-usapan.

Empoy inaabangan kung magsasakripisyo pa sa Mahal Na Araw

Dati ay humihila lang ng karo ng mga poon si Empoy Marquez tuwing Holy Week sa kanilang bayan sa Baliuag, Bulacan. Relihiyoso kasi ang binata at every year niya itong ginagawa pero may katanungan ngayon, hihila pa ba siya ng karo gayung isa na siyang sikat na artista? Baka raw mahiya na si Empoy na humila pa gayung tinitingala na siya sa showbiz.

Well, si Empoy lang ang makakasagot sa katanungang ‘yan.

Maine bawas na ang endorsement?!

Bilang na bilang na ang mga commercial ads sa telebisyon ni Maine Mendoza unlike noon na halos siya ang modelo na kahit nga yata ang palito ng posporo ay gusto siyang kunin para mag-endorso. Weder-weder lang talaga sa showbiz lalo sa mga mundo ng commercial, kung sinong sikat at mabili, ‘yun agad ang tumbok nilang kunin.

Kyline biglang naging in demand

Pitong taon sa ABS-CBN pero ang nakikinabang ngayon ay ang Kapuso sa upcoming kontrabida na si Kyline Alcantara. Napapanood siya sa Kambal Karibal na umagaw ng atensyon sa publiko at nagiging mahigpit na kalaban ng Ang Probinsiyano/Bagani. Hindi nga akalain ni Kyline na pagkakatiwalaan agad siya ng Kapuso gayung kapapasa lang niya sa audition ng Kambal Karibal.

Ibang klase talaga mag-alaga ang Kapamilya, puwede nang pakawalan basta na-develop sa kanilang network. May nagtatanong, hindi ba nagi-guilty si Kyline na matapos alagaan ng ABS-CBN ay lumipat siya sa GMA?

Simple lang naman ang kanyang kasagutan, wala siyang project sa Dos at kailangan niyang kumita. Imagine, 15 years old lang si Kyline at grade 6 sa Eastern School pero mukhang malayo ang kanyang marara­ting.

Maging sina Pauleen Luna-Sotto, Jackielou Blanco at Marian Ri­vera ay humahanga sa acting ng bagets. May mararating ang kanyang manager na si Manny Ballester dahil halos naka-booked na sila sa iba’t ibang out of town fiesta. Idol singer niya si Aicelle Santos at crush noong araw si Inigo Pascual, friends din daw sila ni Bianca Umali kahit nagkakasakitan sila sa set habang nagda-drama. Extended ang Kambal Karibal, na mismong mga tagahanga ang humiling sa GMA.                               

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with