^

Pang Movies

Jak laging babad sa telepono kahit nasa taping

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jak laging babad sa telepono kahit nasa taping

Jak

Ibinuking ni Glaiza de Castro ang rason kung bakit masyadong tahimik ang leading man niya sa teleserye na Contessa na si Jak Roberto.

“Hindi mo siya makikitang pagala-gala sa taping set namin. After ng take, diretso yan sa tent at hindi siya lalabas hanggang tawagin siya para sa next scene.

“First time lang ako nagkaroon ng leading man na sobrang tahimik at hindi nakikipagkuwentuhan sa akin.

“Busy lang siguro at may kausap sa phone niya… alam na natin siguro kung sino iyon!” tawa pa ni Glaiza sa pagbuking niya kay Jak.

Inamin ni Glaiza na noong una ay awkward ang feeling na maitambal siya kay Jak. Pero hindi raw nagtagal ay nagkaroon na sila ng chemistry sa mga eksena nila.

America Ferrera, excited sa first baby

Malapit nang manganak ang Ugly Betty star na si America Ferrera sa first baby nila ng mister niyang si Ryan Piers Williams.

Noong nakaraang week ay nag-throw ng isang baby shower ang mga kaibigan ni America para sa kanya sa Beauty & Essex in Hollywood.

Siniguro ni America na present sa kanyang baby shower ang mga co-stars niya sa comedy series na Ugly Betty at sa bagong comedy series niya na Superstore.

Unang in-announce nila America at Ryan ang pagkakaroon nila ng baby noong December 31, 2017. Kinasal sila noong June 2011.

Gabby gustong ireinvent ang sarili

Bago magsimula si Gabby Concepcion ng bagong teleserye after Ika-6 Na Utos, gusto raw muna niyang mag-reinvent ng kanyang sarili para hindi raw siya pagsawaan ng mga televiewers.

Naniniwala si Gabby na kailangang dumaan sa reinvention ang mga celebrities sa entertainment industry. Para may parating bagong nakikita sa mga ito at hindi ‘yung paulit-ulit.

Looking forward si Gabby na gumawa pa ng magagandang teleserye with GMA-7. Sa Kapuso network kasi natupad ang matagal nang pangarap ng aktor na gumanap bilang isang piloto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with