^

Pang Movies

Charice pinagtatawanan sa pag-aastang lalaki

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Charice pinagtatawanan sa pag-aastang lalaki

Charice Pempengco

Aywan kung ano nga ba ang gustong patunayan ni Charice Pempengco alyas Jake Zyrus nang mag-post pa siya ng sarili niyang pictures habang naliligo sa isang beach ng naka-topless. Siguro nga gusto niyang ipakita na kagaya ng mga tunay na lalaki, makakapaligo rin siya sa isang beach na naka-swimming trunks lamang. Ipinaalis na niya ang kanyang dibdib. Hindi lang namin alam kung may maipapakita rin siyang abs.

Ang nakakatawa, mukhang hindi niya nakuha ang simpatiya maging ng LGBT community, dahil maraming obvious naman na kabilang sa kanila ang nagbibigay ng hindi magandang comment, kung hindi man natatawa. Mayroon pa ngang nagsa-suggest, baka kailangan din niya ng ginagamit na padding ng mga male brief endorsers, kung sakali nga ay aahon siya sa tubig at magpapakuha ng pictures na nakasuot ng swimming trunks lamang.

Ang unang ipinagmalaki ni Charice ay noong sinabi niyang tinutubuan na siya ng bigote, at iyon daw ay dahil sa hormones na iniinom niya. Ipinagmamalaki rin niya ang kanyang mga tattoo, na kung titingnan mo ay pinagmukha siyang astig talaga. Pero mukhang naapektuhan naman ang kanyang career dahil sinasabi ng mga tao na nagbago na ang kanyang boses at hindi na kagaya ng hinangaan nila. Maliwanag din naman na hindi kayang ibenta ng kanyang personalidad lamang si Charice kung wala ang boses niya.

“In the first place kung naging lalaki siya, hindi naman siya pogi,” sabi pa ng isang kritiko.

Noong isang gabi nga, iyan ang pinag-uusapan, hindi naman si Charice, kung ‘di ang ganyang sitwasyon doon sa 700 Club. Sabi nga nila, “hindi dahil uso ay tama”.

Bong bubuhayin ang action movies kapag nakalaya

Baka nga malapit na ring payagang makapag-bail si Bong Revilla, after all sa lahat ng nakulong dahil diyan sa pork barrel scam, siya na lang ang naiwang ayaw payagang mag-bail. Kung si Janet Lim Napoles na sinasabi siyang “mastermind” at siyang dahilan kung bakit nasangkot si Bong ay magi­ging state witness na, ibig sabihin mas magaan pa ang kasalanan ng nadamay lang. Bakit naman hindi pa siya papayagang makapagpiyansa?

Ang nakikita naming maganda kung makapagpipiyansa na nga si Bong, makakagawa siya ulit ng mga pelikula.

Dati naman na silang producer, at siguro may mga kum­panyang magiging interesadong kunin siya dahil matagal na ngang walang action movies na Ta­galog. Wala kasi tayong aktibo at malakas na action star ngayon, iyong siguradong kikita ang pelikula. Baka nga si Bong na iyon kung magbabalik siya sa pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with