^

Pang Movies

PGT judges, sasalain na ang papasok sa semi-finals

Pang-masa
PGT judges, sasalain na ang papasok sa semi-finals

MANILA, Philippines — Pipiliin na ng judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda ang acts na papasok at maglalaban-laban sa semi-finals sa gaganaping Judges Cull round ngayong weekend sa pinag-uusapang world class talent search sa bansa na Pilipinas Got Talent.

Matapos ang ilang linggo ng auditions, iilang acts na lang ang aabante at magkakaroon ng pagkakataong ipamalas muli ang kanilang talento sa PGT stage.

Una ng natukoy na pasok sa semis ang Golden Buzzer acts na kinabibilangan ng grupong Bardilleranz, sina Julius Obero at Rhea Marquez, Nocturnal Dance Company, at si Kristel De Catalina.

Kukumpleto sa listahan ang natitirang Golden Buzzer act na pipiliin ng hosts na sina Billy Crawford at Toni Gonzaga at makikilala rin ngayong darating na weekend.

Sino kaya ang papasok sa semi-finals? Sino sino rin ang acts ang unang magpapasiklaban?

Huwag palalampasin ang Pilipinas Got Talent tuwing Sabado, 7PM, at tuwing Linggo, 7:30 PM sa ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with