^

Pang Movies

Chynna ayaw na ng bagong baby!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Chynna ayaw na ng bagong baby!

Stellar, Chynna at Kean

Maraming netizens ang natuwa sa recent post ni Chynna Ortaleza sa kanyang Instagram account ng isang pakwan na dinamitan na parang baby at inilagay sa baby stroller.

Akala ng marami ay baka nagdadalang-tao na naman si Chynna.

Pero nilinaw ni Chynna na joke time lang daw nila iyon ng kanyang mister na si Kean Cipriano.

Old photo na raw iyong ipinost niya sa IG. Noong makita raw niya ito ulit, naisipan nilang i-post ito para lang sa katuwaan nilang mag-asawa.

“Kaya sabi ko rin sa mga tao, ‘Guys, relax, it’s not a second baby’ I’m really not in any mood or shape to think of ha­ving another child at the moment because I want to focus on Stellar, she’s turning two,” diin ni Chynna.

Bibeth perfect replacement daw ni Direk Maryo

Marami ang natuwa na si Ms. Bibeth Orteza ang kinuhang umupo bilang bagong festival director ng ToFarm Film Festival (TFF) na sinimulan ng pumanaw nang si Maryo J. delos Reyes.

Kasama ni Bibeth sa TFF ay sina Direk Joey Romero as managing director at Direk Laurice Guillen as consultant.

Namumuno pa rin sa TFF si Dr. Milagros How na EVP of Universal Harvester, Inc., na tumutulong na mapabuti ang buhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga pelikula na may kinalaman sa kanilang pamilya at trabaho.

Two years nang umuupo si Direk Maryo sa TFF at nag-produce ang festival ng critically-acclaimed films tulad ng Paglipay, Pauwi Na, High Tide, at What Home Feels Like. Ipinalabas din ang mga pelikulang na-showcase sa TFF sa iba’t ibang international film festivals.

Ngayong taon, hindi lang full-length feature films ang ipalalabas dahil meron na ring short film competition ang TFF.

Perfect na replacement kay Direk Maryo si Bibeth dahil sa impressive background nito with theater, TV and films.

Bukod kasi sa pagiging artista ni Bibeth, isa rin siyang TV and screenwriter, film producer at TV director.

Hollywood actress na si Anna Faris, cinematographer ang ipinalit kay Chris Pratt

Mukhang naka-move on na ang Hollywood actress na si Anna Faris sa pakikipaghiwalay sa estranged husband na si Chris Pratt dahil nakita siyang nakikipag-date na sa isang kilalang cinematographer na nagnga­ngalang Michael Barrett.

Noong October 2017 pa na-link si Faris kay Barrett, pero ngayon lang sila umamin sa official dating nila.

Magkasama ang dalawa sa mga lakad ni Faris sa promotion nito ng movie na Overboard.

Kapag tinatanong daw ang star ng comedy series na Mom tungkol sa kanyang lovelife, nagba-blush daw ito.

Pero kahit maayos na ang personal life ni Anna, priority pa rin niya ang anak nila ni Chris na si Jack Pratt.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with