^

Pang Movies

James at Nadine walang eksena sa kama

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tapos na ang sinasabing kontrobersiyal na pelikula nina James Reid at Nadine Lustre na Never Not Love You at malapit na ngang ipalabas. Noon medyo magulo ang usapan dahil sinasabing nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil sa schedule ng mga artista. Masyado kasing busy sina James at Nadine noon. Gumawa sila ng music video para sa bagong album ni James, tapos naghahanda pa sila para sa malaking concert sa Araneta Coliseum na naging isang malaking hit naman.

Noong umayos na ang schedule, tinapos naman nila agad ang mga natitira pang eksena na kailangan nilang i-shoot, at ngayon nga ay ilalabas na iyan, at bale nga iyan ang Easter pre­sen­tation ng Viva para sa taong ito.

Tiyak na marami ang magugulat, dahil lumalabas na iyan palang Never Not Love You ang masasabing unang adult movie nina James at Nadine. Tiyak na titilian naman iyan dahil napakarami nga raw eksena ng halikan sa kabuuan ng pelikula. Pero hanggang doon na lang muna. Iyong mga nag-aakalang mayroon ding bed scene, sorry na lang kayo, dahil sabi nga ni Nadine wala namang ganoon sa kuwento.

Mukhang bantulot pa rin naman silang gumawa ng bed scene, pero sinasabi nga nila pareho na “it will come in time”. Iyang mga ganyang bagay nga naman, kailangang maganda ang timing, at siguro iyon namang mga ginawa nilang love scenes ay magugustuhan na ng fans.

Ang nakadagdag pa sa attraction, may mga bahagi ng pelikula na kinunan din sa London. Nandoon na nga rin lang sila para sa music video ni James eh, ‘di mag-shoot na rin sila ng bahagi ng kanilang pelikula.

Sinasabi ng ilang observers na malaki ang kaibahan niyang Never Not Love You sa mga naunang pelikulang ginawa nina James at Nadine, at maganda naman ang pagbabago.

Rolly may public viewing

Tahimik na yumao na ang actor na si Rolly Quizon, at ma­rami ang nagsasabing “siguro nga mahihirapan lang din naman siya kung nabuhay siya, kaya isinama na rin siya ni Mang Dolphy.

Nagkaroon ng stroke si Rolly, inoperahan siya para alisin ang blood clot sa kanyang utak, pero nag-comatose siya at hindi na nga nagising hanggang nang binawian siya ng buhay. At least hindi na siya naghirap. Hindi na rin naghirap ang kanyang pamilya.

Sa Martes na nga ang cremation ni Rolly, at may pagkakataon ang kanyang mga kaibigan at mga fans na masilayan pa ang kanyang labi hanggang sa Lunes ng gabi sa Our Lady of Mt. Carmel Church.

Ilang awards pera-pera lang talaga

May nabisto sa isang TV interview na napanood namin. Minsan pala may mga artistang pinapapanalo ng awards dahil makatutulong iyon para makakuha ng mas maraming commercials ang TV coverage noon. Maliwanag na para sa mga awards na ganyan, hindi artistic excellence ang basehan kung hindi talagang kumersiyalismo lamang at kung ano ang pagkakakitaan.

Bakit kaya walang title na “highest grossing award giving body”? Magbigay kaya ako?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with