^

Pang Movies

Glaiza naghahanap ng pupuntahan nila ni Angelica sa Holyweek

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Glaiza naghahanap ng pupuntahan nila ni Angelica sa Holyweek

Glaiza

Sa kabila ng busy taping schedule, looking forward pa rin si Glaiza de Castro sa papalapit na Holy Week kaya naman naghahanap siya ng beach.

Maraming nag-suggest sa aktres ng magagandang beaches na pwede niyang puntahan na siguradong kasama ang BFF niyang si Ange­lica Panganiban.

Pero mas excited na si Glaiza dahil huhusgahan na tomorrow, March 19, ang bago niyang te­leserye, ang Contessa na siyang ipinalit sa top-rating afternoon prime drama na Ika-6 Na Utos.

 “Ayaw po naming magpa-pressure,” sey ni Glaiza. “Basta kami po sa production ay gagawin namin ang lahat para kung hindi man malampasan ay mapantayan namin sila. Magkaiba po naman ang story line namin although dito ay ipaglalaban din ni Bea/Contessa ang karapatan niya bilang isang babae. Kung araw-araw po ay makikita ninyong umiiyak si Bea, ipakikita naman namin kung paano siya babangon.”

Isang hamon din ito sa buong cast dahil tulad ng Ika-6 Na Utos, mapapanood din ito Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga, sa direksyon ni Albert Langitan.

Boyet ayaw pang bumitiw sa KK

“Congratulations!” ang ipinaabot ni Drama King Christopher de Leon sa kanyang Kambal Karibal family dahil sa success ng te­leserye nila na napapanood pagkatapos ng Sherlock Jr. Love na love raw niya ang mga youngstars na kasama nila, sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Paulene Mendoza, Jeric Gonzales, na pawang mahuhusay at very professional sa kanilang trabaho at parang mga anak na rin niya.

Of course, hindi pwedeng makalimutan sina Carmina Villarroel, Cong. Alfred Vargas, Marvin Agustin at Jean Garcia. Yes, tapos nang mag-taping si Boyet ng serye pero pinapanood pa rin niya ito dahil sa magandang takbo ng story .

Alden naki-level kina Ogie, Christian, Carlo, at Kuh

Nakipagsabayan si Pambansang Bae Alden Richards sa mga mahuhusay na singers like Ogie Alcasid, Christian Bautista, Carlo Orosa nang pumayag siyang mag-guest sa concert ni Kuh Ledesma na ginanap last Friday evening sa Christ’s Commission Fellowship (CCF), sa Ortigas, Pasig City.  Anything for the Lord, hindi tatanggihan ni Alden dahil isang way ito to give Him back the talents na ibinigay sa kanya.

Isang aabangan pa kay Alden ay ang EB Lenten Special on Holy Monday na Haligi ng Pangarap na makakasama niya sina Joey de Leon at Tirso Cruz III sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with