^

Pang Movies

Inigo at Maris di maamin ang ka-sweetan!

Jun Lalin - Pang-masa
Inigo at Maris di maamin ang ka-sweetan!

Mariz atInigo

Obvious na in love sa isa’t isa sina Inigo Pascual at Maris Racal dahil napaka-sweet ng mga sinasabi nila tungkol sa isa’t isa.

Nakakakilig ang dialogue ng anak ni Piolo Pascual na pure happiness ang nararamdaman niya sa tuwing kasama ang rumored-girlfriend niya.

Pero kahit ganun ang trato nila sa isa`t isa, hindi naman nila maamin-amin ang kanilang relasyon dahil hindi pa naman opisyal ang kanilang set up.

Hmph! Parang ayaw naman naming maniwala lalo na at obvious naman sa kanilang mga kilos ang sobrang pagka-inlove sa isa’t isa, huh!

Regine at Ogie naghihiraman ng damit at accessories!

Bukod sa Instagram account niya na @reginevalcasid, may isa pang IG account na ginawa ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Ang @fashionpicturest ang additional IG account ni Regine kung saan ngayon ay puro shoes niya ang pino-post niya.

For the love of shoes, kaya siya gumawa ng new IG account.

In fairness, ang gaganda ng shoes na suot ni Regine sa mga picture niya sa IG account na ‘yon, huh! Puro paa nga lang ni Regine ang makikita roon na pawang mamahalin ang suot.

Sabi ng sister niyang si Diane Velasquez-Roque, karamihan daw sa mga picture na naka-post doon, si Regine mismo ang nag-picture, pero kapag mahirap daw ang angle ay siya na ang nagpi-picture sa kanyang ate.

Sa ngayon daw dahil love na love ng misis ni Ogie Alcasid ang shoes, puro shoes lang muna ang ipo-post ni Regine, pero malamang, baka mag-post din daw ang Songbird ng pictures naman ng ilang mga damit.

Dahil sa rami ng damit, bags and accessories ni Regine, nakikiharam muna sa kanya ang mister na si Ogie para gamitin sa character nito bilang si Irenea sa Home Sweetie Home.

Dalawa kasi ang characters ni Ogie sa nasabing sitcom, isang lalaki na si Ireneo at isang babae na si Irenea nga.

Kuwento ni Ogie, nakikihiram muna siya ng mga damit ni Regine, pati bags at accessories, pero sa next taping daw, pinagawan na siya ng iba’t ibang damit ng stylist ng Home Sweetie Home.

Pero ‘yung bags and accessories ni Regine, patuloy raw niyang gagamitin sa sitcom kung saan ay magkakasama sila nina Toni Gonzaga, Piolo at Rufa Mae Quinto.

Naaaliw nga raw si Regine kapag gamit-gamit niya ang mga damit, bags at accessories ng Asia’s Songbird.

Payag kayo? Liza at Enrique dumapa raw sa katapat

Ipinagmamalaki ng mga taga-Kambal, Karibal ang mataas na ratings nila.

Sa AGB Nielsen kasi, ilang beses na silang panalo sa rating sa katapat nilang Bagani na tinatampukan ng Liza Soberano at Enrique Gil sa ABS-CBN. Sa survey naman ng Kapamilya gamit ang Kantar Media ay panalo sila.

Pero ang tsika, baka habaan pa raw ng Kapuso network ang airing ng Kambal Karibal nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

JaDine movie ginastusan ng todo

Bongga ang pelikulang Never Not Love You ng JaDine loveteam nina James Reid at Nadine Lustre dahil kinunan pa sa London, England ang maraming eksena.

Uso na talaga sa mga pelikula ngayon na kinukunan abroad ang karamihan sa mga eksena.

Ilang pelikula na rin ng Viva Films ang kinukunan sa abroad.

Sa March 31 ang showing ng Never Not Love You.

Dennis nakatali na kay Jennylyn

Very open sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa pagsasabing masaya ang kanilang relasyon, kaya nga kahit kasama ng aktor sa The One That Got Away romantic-comedy series ng GMA 7 sina Lovi Poe at Rhian Ramos ay hindi siya nali-link sa mga ‘yon.

Imposible namang i-link din si Dennis kay Max Collins dahil kakakasal lang ng huli kay Pancho Magno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with