^

Pang Movies

Liz Uy malabo raw pakasalan ng ama ng anak!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Liz Uy malabo raw pakasalan ng ama ng anak!

Dra. Geraldine

Pulos encouraging words ang natatanggap ngayon ni Dra. Geraldine Zamora Racaza sa kanyang Instagram account. Si Dr. Racaza ang wife ng diumano`y ama ng baby ng sty­list na si Liz Uy na si Mr. Raymond Racaza. Negosyante si Mr. Racaza at developer ng mobile app na negosyo nina Anne Curtis at Kuya Kim Atienza at pag-aari diumano nito ang kumpanyang Xurpas (IT company) ayon sa isang source.

`You are a strong woman doc, I admire you. May God shower you and your child with peace and happiness,` sabi ng isa nitong follower.

`Can I just say how inspiring and strong you are?  You are an epitome of class and a true Godly woman,` sabi naman ng isa pa.

Lahat ng klase ng masasamang salita ay itinawag na sa sikat na stylist nang ilabas nga ang kanyang anak na walang kamalay-malay na pinagpipiyestahan siya ng buong bayan.

Pinapayuhan din si Dra. Ging na ‘wag magpa-annul sa mister.

Last January pa lumabas ang naturang isyu kung saan kinuwento ng isang source namin na nagtago nga si Ms. Liz sa Amerika para manganak matapos nga raw mabuntis ng isang married man.

Nanahimik siya ng matagal na panahon at binubura ang lahat ng mga nagtatanong sa kanyang social media account.

Pero nung isang araw nga ay naglabas si Ms. Uy ng isang picture kasama ang baby na may caption na ‘Xavi.’

Wala siyang binanggit na ama ng baby pero common knowledge na sa high society circle ang kanyang kalagayan.

Si Dra. Ging (tawag ng kanyang mga kaibigan) ay kasama sa Lupus project ni Representative Em Aglipay.

Ang doktora ay isa sa mga awardee ng The Outstanding Young Men and Women (TOYM) 2016 at maraming advocacy project.

Last year pa siya nagparam­dam tungkol sa nangyari sa kanila ng mister at Liz.

Ang buong akala raw nito ay magkakaibigan lang sila.

Bukas ang pahinang ito sakaling may paliwanag ang mga personalidad na nabanggit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with