^

Pang Movies

Zsa Zsa abala sa burol ng anak ni Dolphy

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang burol ni Rolly Quizon sa Mt. Carmel Parish sa New Manila, Quezon City kahapon ng hapon.

Napag-alamang sina Eric Quizon at Zsa Zsa Padilla ang nag-asikaso ng burol ng dating aktor. Sila na rin ang sumagot sa mga gastos. Kaya naman kapuri-puri si Zsa Zsa na bahagi pa rin talaga ng Quizon family.

Noong inatake pa lang si Rolly, si Zsa Zsa ang isa sa mga humingi ng dasal para sa dating aktor, at hanggang sa paghatid sa huling hantungan ay bahagi pa rin ang Divine Diva.

Kahanga-hanga ang kabaitan ni Zsa Zsa at hindi nagbabago ang pagtingin niya sa mga anak ni Mang Dolphy.

John malabo pa sa serye ni Alden

As of presstime, hindi pa kami sinagot ng isang executive ng GMA 7 sa itinext namin kung kumpirmadong magiging Kapuso na nga ba si John Estrada. Marami ang nakakita sa kanya kamakailan sa bakuran ng network, pero walang sagot sa amin ang mga boss kung ano ang sadya roon ng aktor.

Mukhang ayaw lang muna nilang ilabas sa ngayon dahil maaga pa naman. Pero ang nakalap naming kuwento, kasama raw siya sa drama series na pagbibidahan ni Alden Richards na magsisimula na sa susunod na buwan.

Sabi naman ng ilang source na nakausap namin, hindi pa raw talaga sure na kasali si John dahil ang latest na narinig nila ay tila may problema pa. Aalamin pa natin ‘yan.

Ang isa pa raw na makakasama ni Alden ay si Janine Gutierrez. Pero nilinaw din nilang hindi raw siya magiging ka-loveteam ng Pambansang Bae.

Mabuting linawin na raw sa AlDub fanatics dahil may mga nagri-react na at naba-bash na nga si Alden.

Ang takbo raw kasi ng kuwento ay mas naka-focus kay Alden at sa pamilya niya, wala naman daw anggulong ka-loveteam.

Hindi pa raw ito finalized. Malalaman na lang daw sa story conference.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with