^

Pang Movies

Zia sinanay ni Marian sa gulay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Zia sinanay ni Marian sa gulay

Zia at Marian

Goal ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na maging healthy para sa unica hija nila ni Dingdong Dantes na si Zia. Isa pa nilang goal ay ang masundan na ang panganay nila. Biniro tuloy siya kung hindi ba affected ang breast niya sa paborito n­iyang gawin ngayon na crossfit. Sagot nito, siyempre raw wala na siyang milk dahil nga more than two years old na si Zia at nag-stop na siyang mag-breast feed. 

“Pero kahit gusto naming magka-baby number two kung hindi pa ipagkakaloob ng Panginoon, okey pa rin kami.Masaya kami, parehong in love ni Dong at maraming blessings na dumarating sa amin.

“Like excited na ako sa pinag-usapan naming movie ni Mother Lily (Monteverde). Medyo gray ang story, out-of-the-box ang character ko. At sa April, magsisimula na si Dong ng bago niyang teleserye sa GMA. Ako naman ang susunod na haharap sa kanila for my new project. This Holy Week, Europe-bond kaming mag-anak for a vacation.”

Isa nga sa mga blessing na dumating kay Marian ang muli niyang pag-renew ng contract sa Mega Prime Quality. Kung dati raw ay isa lamang ang ini-endorse niya, ngayon ay apat na products na ng Mega Prime ang pinirmahan niya.

“Si Zia, bata pa ay sinanay ko na siyang kumain ng gulay kaya naman hindi ako hirap pakainin siya ng broccoli at spinach.  Lahat gagawin ko para mapakain ng healthy foods ang anak ko,” kuwento naman niya tungkol sa pagsasanay sa pagpapakain kay Zia.

Solenn nakikipag-agawan na 

Wow! Tiyak magpipiyesta ang followers ng romantic-comedy series na The One That Got Away dahil bukod sa tatlong sexy leading ladies na kasama ni Dennis Trillo na sina Lovi Poe, Max Collins, at Rhian Ramos, heto at papasok ang isa pang sexy actress na si Solenn Heussaff.  She will play the role ng very beautiful but slightly weird na first love ni Dennis. So, apat na silang ex-girlfriends ni Liam (Dennis). 

 Mark balik sa pakikipagbakbakan

Matapos pumirma ng management contract si Mark Anthony Fernandez sa Viva Artist Agency, balik-acting na siya dahil papasok na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin sa ABS-CBN.  

Makakasama niyang papasok ang characters na gagampanan nina Edu Manzano, Alice Dixson, Rowell Santiago, at Dawn Zulueta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with