^

Pang Movies

Drama actress ayaw sipingan ng mga lalaki sa baho ng hininga!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May rason kung bakit hindi nagtatagal ang mga lalaki na karelasyon ang drama actress na ito. May sakit itong halitosis or bad breath.

Ito ang kinumpirma ng isang drama actor na nakarelasyon ng ilang buwan ang drama actress. Hindi na raw niya makayanan ang pambihirang amoy ng bibig ng drama actress kaya kumalas na siya rito bago pa siya mahawa.

Napansin ng drama actor na noong magsimulang mag-diet ang drama actress ay nag-iba na ang amoy ng hininga nito.

Noong magsimula naman daw ang relasyon nila, wala siyang reklamo sa hininga ni drama actress. Pero noong magsimula itong magdiyeta para sa ginawa nitong isang movie, hindi na raw nawala ang nakakahilong amoy ng bibig nito.

Ilang beses na raw sinabihan ng drama actor ang drama actress na magpa­tingin na sa doktor dahil baka may kinalaman ang mga gamot na tine-take nito sa pag-diet niya.

Ito raw ang pinag-aawayan nila madalas dahil hindi maamin ni drama actress na mabaho ang hininga niya.

Pero after ng drama actor, dalawang aktor pa ang na-link romantically sa kanya, pero hiniwalayan din siya. Ang bad breath daw nito ang siyang dahilan.

Kaya dapat ay mag-isip-isip nang magpatingin sa espesyalista ang drama actress dahil kung papabayaan niya ang halitosis niya, walang lalaki ang magtatangkang tabihan siyang matulog sa kama!

Epekto ng sexual harassment Ryan Seacrest bawas na ang exposure sa AI

Mixed reviews ang natanggap ng muling pagbabalik ng reality singing competition show na American Idol.

Sa ABC network na umere ang AI at ang new set of judges ay sina Luke Bryan, Katy Perry, and Lionel Richie.

Marami ang nakapansin na masyado raw mababait ang judges at wala silang mga snarky comments sa mga nag-audition na medyo palpak.

May iba naman na mas gusto ang brutal na comments tulad ng ginagawa before ni Simon Cowell.

Inireklamo naman ng iba ang walang chemistry ng judges. Para raw hindi sila bagay na magkasama sa show.

Isa pa raw nakakabagot sa AI ay ang sobrang dami ng commercials at konting back stories lang ng contestants ang napanood nila.

Marami naman ang nakapansin na hindi masyado nabigyan ng airtime ang host ng AI na si Ryan Seacrest.

‘Yung usual na sasalubungin niya ang mga nag-audition na nakakuha ng gold ticket at hindi ay edited na raw at ilan lang ang ipinapakita.

Backlash pa rin ito ng sexual harassment issue ni Ryan sa kanyang personal stylist na lumabas noong November 2017.

Naramdaman ng ABC ang effect ng issue na iyon sa red carpet special ng E! kung saan iniiwasan ng A-list celebrities na ma-interview sila ni Ryan.

Kaya ginawan ng paraan ng ABC na hindi masyadong ipakita si Ryan sa AI para hindi ma-annoy ang televiewers sa presence niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with