^

Pang Movies

Dragon sa Bagani nung unang panahon pa!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Dragon sa Bagani nung unang panahon pa!

Enrique

“Akala ko ba sabi nila ipino-promote nila ang Philippine culture sa Bagani, eh bakit may dragon,” sabi ng isang kritiko nang makita ang trailer ng isang future episode ng serye.

Oo nga naman, may dragon na siya palang nagsusunog sa gubat, at ang pagkaka-CGI ng dragon, aakalain mong isang dinosaur. Mabilis silang nagsabi, “walang ganyang kuwento sa Pilipinas”.

Para po sa mga hindi masyadong nag-aral ng kultura at panitikang Pilipino, kami na po ang nagsasabi may dragon sa mitolohiyang Pilipino. Dito sa atin, kung tawagin iyang dragon ay bakunawa. Ayon sa ating sariling mitolohiya, iyang bakunawa ay isang dragon na mula sa dagat at pinaniniwalaang kumakain ng buwan. Kaya noong unang panahon basta may lunar eclipse, sinasabi nilang ang buwan ay kinain ng bakunawa.

Pero sino ba ang talagang nakakita kung ano ang hitsura ng bakunawa? Kagaya rin naman noong mga katanungan sa Europa, sino ba ang nakakita talaga ng dragon? Mythology nga eh, wala talagang nakakita, kaya nga myth. Isang paniniwala. Kaya kung sa CGI nila ay hindi naman nagmula sa tubig at mukha ngang dinosaur, ano ba ang malay ninyo kung ganoon nga ang hitsura ng bakunawa?

Ang mga ganyang fiction, talagang may artistic license para gumawa ng ganyan. Aminin natin, ang mga ganyang serye ay ginagawa para maaliw ang tao. Marami ang naaaliw eh. Kami mismo naaaliw kami sa attama na iyon. Hindi namin hinahanap na maging makatotohanan siya sa kasaysayan, kasi nga ang tingin namin ay entertainment iyan. Kung gusto namin ng totoo eh ‘di sana pinanonood na namin ang History Channel, o Discovery Channel o kaya National Geographic, na pinanonood din naming lahat. Kaya nga inis na inis kami riyan sa Sky Cable kung minsan dahil bigla na lang nawawala ang signal. Pero iyang Bagani, kagaya rin ng Encantadia noon ng Channel 7, pinanonood namin for entertainment. Gusto rin naming maaliw. After all, ano nga ba ang dahilan at mayroon pa kaming ginagamit na telebisyon?

Rayver puwedeng next Rudy Fernandez 

Sa huling episode ng Bagani na napanood namin, napansin namin si Rayver Cruz. Matindi ang naging fight scene nilang dalawa ni Enrique Gil. Pero napansin naming kakaiba ang aksiyon na ipinakita ni Rayver, mas matindi kasi ito.

Ang galing ni Rayver sa routine, dancer din kasi siya eh. Pero ang naisip namin nang mapanood iyon, baka nga bagay si Rayver na gawing action star. Ganyan si Rudy Fernandez noong araw, sinasabi nila na masyadong pogi para maging action star pero doon siya naging malaking hit.

Eh matagal na tayong walang action star, kaya nga wala na ring action films eh. Namatay na si Fernando Poe, Jr. (FPJ), nakulong si Bong Revilla, Jr. Iyon namang ibang action stars natin ay may mga edad na rin kaya hindi na makakilos kagaya noong araw. Aba, eh kung made-develop iyang si Rayver, ang tingin namin sa kanya ngayon ay puwede siyang action star.

Masyado nang maraming matinee idols ngayon. Iyong iba nga hindi na napapansin.

Napansin din namin si Rayver kahit doon sa maikli niyang role sa Ang Larawan. Noon pa nga ay sinasabi namin na mabigyan siguro ng isang ma­husay na director, may ilalabas talaga siya bilang actor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with