^

Pang Movies

Perfect... nina Gerald at Pia naging advocacy film!

Jun Lalin - Pang-masa
Perfect... nina Gerald at Pia naging advocacy film!

Gerald

Mali ang akala ng marami na romantic-co­medy ang pelikulang My Perfect You nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach.

Sa pelikula, may schizophrenia (a mental disorder characterized by abnormal social behavior and failure to understand reality) ang character ni Gerald.

Mabigat ang tema ng pelikula, pero magaan naman ang ending nito.

Ang galing umarte ni Gerald bilang isang schizophrenic. Si Pia naman, maraming nagsasabi na OA or over acting siya, pero posibleng sinadya lang ng direktor nilang si Cathy Garcia-Molina na ganoong acting ang ipagawa dahil “produkto” nga lang ng imahinasyon ng character ni Gerald ang character niya sa pelikula.

Sabi, malakas daw ang pelikula at P5 million ang kinita sa first day.

Ruffa nabiktima rin ng travel agent!?

Si Manay Lolit Solis sa meeting kahapon ng ilang mga nabiktima raw ng isang travel agent.

Tinawagan kami ni Manay Lolit para usisain kung pati si Ruffa Gutierrez ay “nabiktima” rin ng nasabing travel agent dahil may nagkuwento roon na nang mag-travel ang TV host/actress kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice Bektas sa Korea ay hindi rin pala naka-book ang mga ito.

Ang tanging reaction namin sa pang-uusisa ni Manay Lolit, kung may ganoong pangyayari nga, sana ay nai-post na kaagad ‘yon ni Ruffa sa social media, ‘noh?!

Pero para malaman namin kung ano nga ba ang katotohanan sa kuwentong ‘yon, tinawagan namin si Ruffa para tanungin.

Nagulat si Ruffa.

“Hello! Hindi pa kami nakakapunta nina Lorin at Venice sa Korea, kaya mali ‘yan!” sey ni Ruffa na sinundan niya ng, “Na-tweet ko na sana kung nangyari nga sa amin ‘yan. Ang only experience ko doon sa kilala nating travel agent na nagbayad ako ng first row seats, pero hindi pala nai-reserve.

“In fairness, naayos naman kaagad ‘yung problema dahil nang pabalik na kami ng Philippines, upgraded naman kami sa business class,” pagli­linaw ni Ruffa.

Nang tawagan uli namin si Manay Lolit para i-clear ang tungkol sa kuwentong ‘yon, nag-dialogue siya sa mga kausap niya ng, “Naku, fake news pala ‘yan!”

‘Yun na!

Elmo nanganganib maitsapwera kay Janella

Ang Hashtag member na si Jameson Blake ang leading man ni Janella Salvador sa So Connected movie ng Regal Entertainment.

Nang tanungin namin si Mother Lily Monteverde kung bakit hindi si Elmo Magalona ang partner ni Janella sa So Connected, sinabi niyang idea ‘yon ng anak niyang si Roselle Monteverde na mas updated ngayon sa mga bagong artista.

In all fairness, may dating ang teaser ng So Connected.

Paano kaya kung mas mag-click ang pelikulang ‘yon, maitsapuwera na kaya si Elmo?

Well…

James at Nadine hinuhulaang mangangabog sa Sabado de Gloria

Ipalalabas na ang latest movie nina James Reid at Nadine Lustre na Never Not Love You sa March 31 o sa Sabado de Gloria.

Maraming pelikula na ang ipinalabas ng Sabado de Gloria na naging box-office, kaya asahang sisipa sa takilya ang Viva Films movie na ‘yon.

Marami ang nag-akalang hindi na matutuloy ang pelikula dahil simula pa lang ng shooting ay naintriga na ang loveteam.

May mga nag-akala pa nga na igi-give-up na ‘yon ng direktor nilang si Antoinette Jadaone dahil sa ilang na­ging issue sa shooting schedules.

Kahit mature na ang roles nina James at Nadine sa Never Not Love You ay may kakaibang kilig pa rin sila sa trailer nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with