^

Pang Movies

Alessandra inalok ng baby sa halagang P60-K!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kaaliw ang tweet ni Alessandra de Rossi few days ago sa kanyang Twitter account na may nag-aalok daw ng bagong panganak na baby sa kanya.

“Nakakaloka si kuyang nagdeliver ng gasul, nagaalok ng bagong panganak. 60k lang daw. My gas!” tweet ni Alex.

Mukhang hindi naman pinatulan ng aktres ang offer. Puwede naman siyang gumawa na lang, bakit pa nga naman mag-aampon?

Bagani natulungan ng Indigenous People

Masaya naman ang team ng Bagani at natapos na rin ang issue nila sa CHED (Commision on Higher Education) at sa IP (Indigenous People) at pinagamit na rin sa kanila ang nasabing titulo.

Matatandaang nagkaroon nga ng discussion ang lahat ng panig at ayon kay Direk Lester Pimentel, naging maganda ang usapan at naipaliwanag nila nang maayos ang kanilang side.

“The team already sat down with the concerned groups with IP leaders at ‘yung kay Commissioner ng CHED and we have come to a conclusion na gamitin ang show, use it as an opportunity to further educate our audience about Filipino culture and its roots, ‘yung mga ugat nila, sa indigenous people,” pahayag ni direk Lester.

Kahit inulan ng intriga at kontrobersiya ang pagsisimula ng serye, ayon sa direktor ay magandang bagay pa rin ito.

“Masaya kami na napag-usapan. It’s an opportunity, it’s an avenue to discuss it. Dati kapag lumabas ang teleserye, ang pag-uusapan lang, kanino kayang anak (ang karakter), ngayon, we have some intelligent discussions about culture, about identity, etcetera, etcetera,” paliwang pa ni direk Lester.

In a way ay naniniwala raw silang nakatulong ang controversy sa serye in promoting the Filipino culture.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with