Cai Cortez
Cai blessing ang tingin sa katabaan!
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Tawa nang tawa si Cai Cortez nang makita niya ang lumang picture nila ng pamilya kasama ang ama niyang si Rez Cortez. Ang payat-payat pa ng komedyante noong 12 years old lang siya. Hindi raw niya alam na ganun ang hitsura niya dahil nawala ang photo album nilang mag-aanak nang lumipat sila ng tirahan. Kaya kinunan niya agad ang naturang old photo at ipina-print.

Sa ngayon ay no regrets si Cai kung masyoba (mataba) siya, dahil napakaganda naman ng face niya. Never siyang magpapapayat dahil asset at puhunan niya sa showbiz at mga TV show ang kanyang katawan.

Patapos na ang Ika-6 Na Utos at nagsimula na ang new series niya sa GMA 7 na Ang Forever Ko’y Ikaw kung saan gumaganap siya bilang doktor. “Blessing po itong katawan ko,” ang nakangiting sabi ni Cai.

Time to love docu nakaka-in love

Maganda ‘yung ipinalabas na wedding ng tatlong pares ng mga sikat na showbiz kaya hindi man tayo (isa na ako) nagkaroon ng chance na ma-witness ang magarang kasalan, para na rin tayo present sa pag-iisang dibdib nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan, Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, Max Collins at Pancho Magno sa documentary na Time to Love.

Nakatawa nga kami habang pinanonood ito dahil feel na feel namin ang saya ng couples.

Smiling face lalo na si Gerald pati si AiAi, damang-dama ko, walang halong kaplastikan ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Hindi fake, hindi pakitang tao, walang halong pag-iimbot.

Congratulations again and best wishes ulit!

Cast ng ika-6… umay na umay na

Malapit na kuno mag-end sa ere ang top rated daytime series na Ika 6 Na Utos na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon, kasama sina Ryza Cenon, Daria Ramirez, Pen Medina, Carmen Soriano, Mel Martinez, at kasama rin sina Odette Khan at Angelica dela Cruz kaso natsugi na sila.

Dinig namin, naiinip na rin ang cast dahil kahit top rated pa sila, napapagod na rin daw sila at gusto nang magpahinga.

Ba’t kaya ganun, pag may trabaho ka gusto mo mag-rest, ‘pag wala kang trabaho nagdadasal ka na magkaroon. Ilang days na lang naman ang airing at makaka-rest na sila.

CAI CORTEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with