Albert Martinez

Albert handa na uling mag-asawa
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Iisipin mo bang 57 years old na si Albert Martinez ngayon? He started pala in showbiz noong 1980 sa GMA Network hanggang 2005.  Six years palang tumagal ang kanyang first teleserye roon from 1980-‘86, ang Anna Liza with Julie Vega.

Dumating ang offer ng ABS-CBN noong 2006 with Sa Piling Mo kasama sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Nagsunud-sunod na ang offers sa kanya ng Kapamilya network na nagsimula sa FPJ’s Ang Probinsyano at nasundan ito ng La Luna Sangre, The Good Son at Bagani.  Ibinigay ng kanyang management ang list ng mga TV shows, movies and awards na natanggap niya for almost 37 years na niya sa showbiz.

“Nagpaalam ako sa ABS-CBN for a one and half months vacation,” kuwento ni Albert sa isang intimate interview. “Gusto kong makita ang first apo ko sa panganay kong si Alyanna, who’s married to Rey Macam, si Adalynn Riley Macam. Doon ko na rin isi-celebrate ang 57th birthday ko sa April 19.  That will be my first time to celebrate my birthday with my children. Dati, noong kasama pa namin si Liezl, tuwing magbi-birthday ako, nasa taping or shooting ako. Pero naging understanding si Liezl at mga anak ko dahil nagtatrabaho ako. I will go to California with my son Alfonso and youngest daughter Alyssa.”

May balak na rin si Alfonso na mag-asawa dahil eight years na sila ng girlfriend niya. Si Alfonso ang nag-aalaga sa lola niyang si Amalia Fuentes, na ayon kay Albert ay stable na ang kalagayan ngayon. Kahit ang bunso niyang si Alyssa ay may boyfriend na rin for five years.  Hindi raw niya pipigilan ang mga anak niyang mag-asawa dahil may kani-kaniya na silang business.

Mag-iisa na siya, hindi ba siya naghahanap ng bagong babaeng pakakasalan niya?

“Hindi naman maiiwasan iyon and I’m prepared for that. I’m not looking for someone, but if someone comes along at talagang okey naman, siguro but up to now, I’m still grieving over the loss of my wife.  Hindi na siguro mawawala iyon. I’m surrounded by love, sweet memories, hindi ko basta makakalimutan iyon.”

Nabiro si Albert na ilang taon ba niyang naging girlfriend noon si Sharon Cuneta.

“Nagkakilala kami ni Sharon noong 1980 sa GMA Supershow naging steady kami. Dapat ay ako ang first leading man niya sa kanyang launching movie pero naka-contract na ako noon kay Mother Lily (Monteverde) at ginagawa namin noon ni Snooky Serna ang Bata Pa si Sabel kaya hindi ako pinayagan. Iyong Dear Heart napunta kay Gabby Concepcion.  Ang move namin ni Snooky sa Vigan kami nag-shooting at pagbalik ko rito, Sharon accused me of being a two-timer which is not true. Naging sila na ni Gabby (Concepcion) at naging kami ni Snooky, noong tapos na ang movie namin. Almost a year ding naging kami ni Sharon,” pagbabalik-tanaw niya.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with